COLTON.
Atty. River Gallardo-Montecillo.
Hinaplos ko ang palad niya na nakapatong sa hita ko.
I feel like dreaming. Hanggang ngayon ay gusto kong sampal-sampalin ang aking sarili. Totoo ba 'to?
"Why are you crying?" bulong niya habang sinisilip ang mukha ko.
Nanatili akong nakayuko habang pinagmamasdan ang magka-siklop naming mga kamay.
"Your wedding vow...when did you write it?" Imbes ay tanong ko sakaniya.
Naramdaman ko ang palad niya na humaplos sa pisngi ko, pinupunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata.
Ubos na talaga ang huling porsyento ng angas ko. Pati latak, simot na.
"Months ago, while waiting for you to come back..."
She laughed hard when I aggressively turned my head to look at her.
What?!
"You were that in love?" nanlalaki ang mga mata na saad ko.
Bigla ko tuloy siyang na-imagine. Nagsusulat ng wedding vow sa apartment niya habang hindi pa ako umuuwi. Napangiti ako nang malungkot. I'm such an asshole for making her wait.
Umirap siya sa aki. saka nagsalita sa mababang tono. "I was beyond in love, Sir" she said naughtily, pinching my nose.
Kumunot ang noo ko. So, ibig sabihin...
"You're being maarte lang the whole time?" ngiwi kong tanong sakaniya at lumaylay ang aking balikat.
Akala ko pa naman ay na fall out of love na siya. Lahat nang pago-overthink ginawa ko. Ako pa rin naman pala ang gusto. Hays.
"It's not being maarte...gusto ko lang na maging perfect ang timing," makahulugan niyang saad at tumiim ang kaniyang labi.
Lumamlam ang aking mga mata.
"Ayoko nang magkamali pa tayo ulit. Ayokong maging impulsive gaya noon, kahit doon manlang sana maipakita natin na nag-mature tayo kahit papaano." mahaba niyang saad sabay ngisi.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Were you scared?" tanong ko maya-maya.
Nilaro ko ang kaniyang mga daliri. Umiling naman siya.
"Not even once?" kuryoso kong tanong.
"Not even once, Colton" masuyo niyang tugon sa akin.
"Bakit?"
"I trust you...because you promised me about this day, about this wedding."
Pinagdikit ko sandali ang mga noo namin. I closed my eyes before placing a gentle kiss on her lips. My lips trembled when she gave me a kiss too.
I see how her eyes sparkled with joy and happiness. This is how I wanted it, this how it should be.
Itataya ko ang lahat para sa ganitong tanawin. Para sa ganitong kinang na makikita ko sa mga mata niya. Misyon ko ang pasayahin siya.
"We were young back then. Alam ko rin na maluwag ang turnilyo mo sa ulo, pero sure ako na seryoso ka nang mangako ka sa akin. Kaya pinaghawakan ko."
Pangiti-ngiti siya habang nagsasalita. Kahit anong paliwanag niya ay isa lamang ang pumapasok sa isip ko.
"You were listening to me during those times when I thought you're not...you were actually paying attention." I whispered it with a smile on my lips, feeling happy as if I'm a kid who received my favorite candy.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...