PLAN. I have to come up with a meticulous plan. It doesn't matter kung gaano ako katagal na magpa-plano, ang mahalaga ay ang successful rate. It should be a hundred percent.
No one has to know.
I walked confidently around the head quarters trying to find that specific person. Nang makita ko siyang naglalakad sa lobby ay nilapitan ko ito kaagad.
"River, we need to talk"
Siya ang una kong dapat na makausap. Matalino ang isang ito, mahahanap niya ako kapag nawala ako. I have to lose all my connections with her. Kung kinakailangan kong kuhanin ang phone niya ay gagawin ko.
Kumunot ang noo niya.
"Sige na, sandali lang, promise" umakto akong normal ngunit tinaasan niya ako ng kilay.
"Follow me" aniya at lumawak naman ang ngiti ko.
PAGPASOK sa kwarto niya ay bumungad sa akin ang napakaraming work loads. She's a busy person, after all.
I sat myself on the sofa and spread my legs as I usually do.
"What are you up to these days, huh?" mapanuri niyang tanong.
Sabi na, imposibleng hindi ito makahalata.
I tried to play it cool.
"Nothing, aside from work ay wala naman na" I shrugged.
"Nothing my ass" anito.
"Hoy, pinagsasabi mo diyan laki kaya ng pwet mo!"
Biro ko rito kaya nakatanggap ako nang matalim na tingin mula sakaniya.
Hinawi niya ang buhok at pabagsak na binaba ang kaniyang phone sa sariling desk. Sandaling napako ang paningin ko roon, pero agad ko ring ibinalik sakaniya.
Kailangan ko 'yong makuha. Kinapa ko ang isa pang phone na nasa loob ng aking coat. This phone contains everything na nasa phone niya. A clone, pero wala rito kahit isang bagay na makakapag track sa kinaroroonan ko.
Pati old messages namin, email exchanges, contact number, all platforms that connected us. Wala. Para bang nawala ako sa buhay niya, charot.
Kailangan ko lang pagpalitin. Kung paanong hindi niya mapapansin ay hindi ko pa alam kung paano kong gagawin.
I bought the exact same model as her phone. Pati casing ginaya ko. Pati iyong aksidenteng tuldok ng ballpen sa likod nilagay ko para katulad na katulad at hindi magmukhang bago.
"Anong kailangan mo sa'kin?"
"I missed you" parang bigla nalamang iyon lumabas sa bibig ko.
Hindi ko na naawat ang sarili. We've been busy this week. Wala talaga kaming time na magka-usap pa.
Kahit nga si Gab ay hindi na namin makasama. Naghahanda na kasi ito para sa kasal nila ni Zoe na gaganapin sa susunod na araw.
"Stop spitting nonsense, Colt. Bored ka lang" walang emosyon na anito.
Dinampot niya ang phone at akmang aalis pero pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?"
"May trabaho pa ako"
"Sama!" saad ko na parang bata na nagmamakaawa sa nanay na isama siya sa palengke.
Nagkatinginan kami.
Wtf, Colt!
"Seriously? Matulog ka, Colton. Kung ano-anong nalabas sa bibig mo" iling niya, pinalis na ang kamay ko sa braso niya atsaka lumakad palabas.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
Storie d'amoreColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...