THE day has finally come. Umaga palang ay ayos na ayos na ako. Though, mga 3 o'clock pa ng hapon ang usapan. Bakit ba, kailangan ko maging gwapo.I was singing in the kitchen the whole morning while cooking my own breakfast. I washed the dishes, took a bath, shaved, and finally get dressed. Walang kasing lapad ang mga ngiti ko habang ginagawa ang lahat ng mga iyon.
After lunch ay nagpasya na akong lumabas. Pumunta ako sa paborito kong flower shop at binili ang favorite flower ni Mama noong buhay pa siya.
Habang hawak ko ang boquet ng white daisies ay hindi ko maiwasang malungkot. I used to pick these flowers up from our garden, inilalagay ko sa bedside table ni Mama kasama ang magulo kong hand written letter. Araw-araw kong ginagawa iyon bago siya gumising.
I like seeing her smile. Napaka-ganda kasi ng Mama ko. Lalo pa kapag masaya siya.
"GOOD MORNING, MRS. KOOP!"
I waved my hand enthusiastically while greeting Mrs. Koop. She's living across our house and I've been friends with her since I was five.
"Good morning, Colton" she greeted, smiling back at me.
I watched her as she water her plants inside their yard. That's what I'm doing too, right now.
"Are you picking up flowers for your Mom again?" she asked.
"Hmm! My Mom love these" at itinuro ko ang namumukadkad na mga white daisy na nakatanim sa aming hardin.
"Napaka-sweet mo namang bata" puri niya sa akin at nalukot ko ang aking ilong sa sobrang pagkakangiti.
Nang matapos magdilig at mamitas ay pumasok na ako kaagad. Sa terrace palang ng bahay namin ay natanaw ko na ang Papa ko.
Mabilis akong lumapit sakaniya. Sa gitna ay nakalagay ang coffee table at ang rocking chair niya. Umiinom siya ng kape na ako mismo ang nagtimpla kanina para sakaniya.
"Dahan-dahan, papa" paalala ko.
Hindi siya sumagot at tulala lamang. Hindi kasi siya nakakapagsalita. My Papa got into an accident a year ago. Masyadong naapektuhan ang ulo niya and that's when he lost his ability to speak, too. Sobrang miss ko nang marinig ang boses niya. Pero hindi ko naman siya mapilit magsalita kasi nga ayaw niya, eh.
Ang mahalaga nandito pa rin siya sa amin. Mahirap siya alagaan minsan kasi biglang nagwawala. Kaso hindi ko siya pwedeng basta iwanan, mahirap na.
Noong nakaraan kasi nakita ko siya sa kusina, sa sobrang pagwawala niya ay muntik na niya masaktan ang sarili.
Nasugatan ako sa likod habang inaawat siya, pero pagaling na rin naman ang sugat ko. Mabuti at walang nangyari sakaniya.
"Papa tingnan mo po, oh. Pinag-pitas ko si Mama ng bulaklak. Naalala niyo po dati, diba kayo ang gumagawa nito? Mahal na mahal niyo po kasi si Mama"
Hinahaplos ko ang buhok niya habang nagkukwento. Madalas naman na kalmado si Papa. Pero minsan ay bigla siyang nagwawala. Ako lang ang nakakapagpakalma sakaniya.
"Ilalagay ko po ito sa tabi ng kama ninyo. Ano po kaya ang magandang isulat sa papel kasama nito?"
Wala akong natanggap na kahit anong sagot mula kay papa. As an eight year old kid, this is supposed to be frustrating for me. Pero dahil alam ko ang sitwasyon namin ay mas pinili kong intindihin ito.
Kumuha ako ng papel at lapis.
Una kong iginuhit ay puso, sunod ay mga bituin sa paligid ng papel. Sa pinaka ibaba ay gumuhit ako ng tatlong tao na stickman bago ako nagsimulang magsulat.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...