Chapter 8

121 10 1
                                    

LUMAKI ako sa pangangalaga ng Uncle ko. Tito ko siya sa side ni Mama. Siya ang pinaka-cool na uncle para sa akin, kaso nga lang nakulong siya ulit bago pa ako makapagtapos ng high school. Ex-convict na nga, tapos nakulong pa ulit.

Nagnakaw kasi siya. Inaway ko nga, eh. Sabi ko bakit siya nagpahuli, akala ko ba maangas siya. Pero all goods na kasi nakalaya na rin naman siya, matagal na.

Nasa China siya ngayon, nag memeditate kasi raw he's trying to know what's the meaning of life.

Nag p-purpose searching siya sa China habang nandito sa pinas ang pamilya niya. Diba't siraulo?

Anyways, he's the one who took care of me after my Mama died and my Papa enter the facility. My life as a kid is not that beautiful to remember at all.

Though, may mga parte pa rin namang masasaya.

Lalo na nang nasa puder na ako ni Uncle. Natulungan niya ako nang husto habang nagluluksa ako sa pagkamatay ni Mama noon.

Kaso siya rin ang nagturo sa akin kung paano maging ganap na genggeng.

Naalala ko pa nga, fifteen years old ako noong una niya akong nilagyan ng tattoo. Sa likod iyon, doon sa mismong peklat na naiwan ni Papa sa akin noong bata pa ako.

"UNCLE, NO!"

Halos sumigaw at umiyak na ako habang tumatanggi sakaniya, alam ko kasi kung gaano kasakit iyon.

"Sampal ng babae na pinaiyak mo hindi masakit, pero karayom, oo? Suntukin kita d'yan, Kulton!" anito sa akin at napanguso naman ako.

"Iba 'yon, Uncle. Karayom 'yan, eh!" palahaw ko at naghabulan nanaman kami sa loob ng bahay niya.

"Hindi ka lalapit? Isa, Kulton Venom!" tawag nito sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata.

Nakayuko naman akong lumapit. Panay ang bulong ko ng mga hate comments patungkol dito habang naglalakad ako.

"Pumili ka ng design, bilisan mo" aniya at pinaupo ako sa luma naming couch.

"Ito po..." itinuro ko iyong vine na may maliliit na bulaklak.

"Saan?" he asked, hinahanda na ang tattoo gun niya.

"Sa bayag po," tawa ko at binatukan naman niya ako.

"Inamo ka, talikod. Takpan natin 'yung peklat mo" aniya, nagsusuot na ngayon ng rubber gloves.

"Hala, 'wag po! Ano nalang, paikot mo 'yung vine sa peklat. I don't want to hide it completely, maybe just make it a little bit pleasing to look at"

"Ay putangina, 'wag mo akong ini-english ipapakalmot mo lang naman 'yan sa mga babae mo, eh. Tokis ka." aniya at pinagpapalo ang likod ko.

"Uncle naman, eh!" pag-iinarte ko.

"Talikod!" pasigaw na utos naman nito.

After the first tattoo, nasundan pa iyon hanggang sa na-explore ko na pati ang pag pi-piercing. I eventually grew fond of it, lalo pa at sabay kami ni tito sa mga trip niya. Pwera lang sa pagkakakulong niya, syempre.

That's where it all started and the rest was history.

NABALIK ako sa kasalukuyan nang batiin ako nang iilang mga nurse na nakasalubong ko papasok sa elevator.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon