"PWEDE SUMABAY?"
Napalingon ako sakaniya bago ko pa maisuot ang aking helmet. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa nakakadiring ngisi niya sa labi.
"Bawal" tipid na sagot ko.
"Damot," simangot nito at pinag-krus ang mga braso sa kaniyang dibdib.
"Wala akong kotse, sumabog" dugtong niya at tumawa.
Napanganga ako. "Seriously, Colt?" irap ko rito.
"Oo nga, kulit neto. Sabay mo na ako."
Akmang pipigilan ko siya pero mas nauna pa itong umangkas kaysa sa akin. Mukhang wala talagang balak na umalis pa.
Wala na rin akong nagawa kaya hinayaan ko na siya. Ang sana'y isusuot ko na helmet, inabot ko nalamang sakaniya. Masigasig naman niya itong tinaggap.
"Thank you" pasalamat pa niya at halos mawala ang kaniyang mata sa sobrang pagkaka-ngiti.
Ang tapang-tapang nito. Wala pa kayang ibang nakakaangkas sa akin kundi siya. Binabakante ko kasi talaga ang pwesto na iyon, ayokong may umuupo sa likod ko habang nagmamaneho.
Pero siya naman 'yan so, balewala na.
"Saan ka?" sigaw ko sakaniya nang umaandar na kami.
"Diretso lang po!" sagot nito, mas malakas pa ang sigaw kaysa sa akin.
Napa "tsk" ako sa naging sagot nito. Ayaw sumagot nang maayos. Palagpas na kami sa building kung nasaan ang penthouse niya!
"Lalagpas na tayo sa place mo, saan ka ba bababa?!" malakas at naiinis kong sigaw sakaniya.
"Diretso pa nga!" sigaw niya rin pabalik.
Kumunot ang noo ko. Papunta na kami sa apartment ko, hindi pa rin siya bumababa. Ano bang trip ng lalaki na 'to?
NANG huminto ako at pinatay ang makina, nasa tapat na kami ng apartment ko. Bumaba na siya, finally.
"Thank you, makikitulog sana" saad niya at nagtatakbo na papasok.
"Hoy!" sinubukan ko siyang awatin pero mabilis at malalaki ang mga hakbang niya.
Halos hindi ko na nai-park nang maayos ang sasakyan ko dahil sa pagmamadali. Tumakbo ako pasunod sakaniya kahit halos madapa na ako.
Damn it, Colton!
Kababalik niya palang pero sobrang ligalig na niya.
Alam na alam nito kung saan kukunin ang key ng bahay ko. Doon ko pa rin kasi itinatago ang susi ko. Sa dulong hilera ng mga halaman, likod ng cactus pot, sa ilalim ng vase na asul.
"Colton, you fucktard!" akmang sasabunutan ko siya pero napihit na nito ang door knob.
Mabilis ang naging pagsinghap niya sa nakita. Ako naman ay napamura nang mariin sabay hawi sakaniya upang malaya akong makapasok at makuha ang kung ano man iyon na nakita niya.
"River...you wear those?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya.
Nalaglag ang panga nito saka tinakpan din ang sariling bibig.
"Fuck you" mariin kong mura sakaniya saka ko pinaghahablot ang bagong laba kong mga underwear na nakasampay sa sala.
Umulan kasi kahapon, so napilitan akong isampay sila rito!
Hindi ko naman akalain na ngayon siya darating at maiisipan pang pumunta rito sa bahay ko. Besides, I'm alone here kaya wala dapat na kaso iyon!
"I just imagined you—"

BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomansaColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...