RIVER.
I WAS 17 or 18, I guess. I was on my last year in high school. Graduating. Sa wakas ay patapos na. Makakapasok na rin sa pangarap kong university next year.
Pangarap ko maging abogado. Bata palang ako, iyon na ang gusto ko. Kaso hindi ko naman inaasahan na marami palang inihanda ang mundo para sa akin.
I was on a school competition that time. A science quiz bee.
Nangunguna ang score ko. Focus na focus ako. Gusto kong manalo. I hate losing, alam iyan ng magulang ko. Kaya nga hindi kami nagkakasudo, kasi gusto ko lagi akong tama.
Gusto ko palagi ay panalo ako sa mga pagtatalo o kaya argumento. Lalo na sa mga kompetisyon, syempre. I want to win, always. Wether be it a competition or argument.
Hindi ko nga lang maiwasang mainis ngayon. Halos pumantay kasi sa akin ang score nang katabi ko na lalaki. Masama ang tingin na nilingon ko ito nang pailalim.
Bumalandra sa akin ang nakakasilaw nitong hikaw, ang kilay ay may ahit sa kaliwa. Mapula ang nakangising labi nito at relax na relax ang hitsura.
Minsan ay sumisipol pa, bastos.
Samantalang ako rito ay halos ma-haggard na sa sobrang focused para lang manalo at maalala ang mga ni-review ko.
"Why?" he mouthed, sa akin nakatingin at nakataas ang kilay.
Isang tingin palang. Alam mo nang mahangin at maangas ang isang 'to. Hitsura pa nga lang, eh. Mukhang fuckboy. Malayong-malayo sa mga tipo kong lalaki na maayos at matitino.
Ang isang ito ay kabaliktaran. Mukhang hindi gagawa nang mabuti, eh.
Medyo kahawigan pa niya ang mga nakakasalubong ko rati na nag aadik sa mga eskinita.
Medyo makinis nga lamang at mukhang may kaya ang isang ito.
Pasimpleng inirapan ko siya. Narinig ko naman ang mahina niyang paghalakhak.
"Damn...rolling your eyes on me like that on the first day of meeting, eh?" aniya pa habang pumapalatak.
Mala-butiki sa kisame ang atake.
Hindi ko ito pinansin at muling tinuon ang buonh atensiyon ko para sa next question.
Papansin.
Mamaya ma-disqualify pa kami dahil sa pag-uusap. Hindi ko siya mapapatawad kapag mangyari iyon.
Naka-simangot ako habang naghihintay sa next question. Ito na ang huling pag-asa ko. Kapag nasagot niya ay matatalo ako. Kailangan kong makuha ang tamang sagot.
Humigpit ang kapit ko sa marker at maliit na whiteboard sa aking mga kamay. Tumikhim na sa microphone ang guro namin.
It's chemistry, this time. Sa Astronomy ako nadali kanina, nakakabaliw. Bawi ako rito sa chem.
Umilaw ang mga mata ko nang makitang balancing ang question. Basic lang!
Napangisi ako. Mabilis na nagsulat agad ako sa aking white board at nang matapos ay tinaob ko ito. May malaking ngisi ako sa labi. Nararamdaman ko, mananalo ako.
Nilingon ko ang katabi, tamad lang siyang nakatingin sa white board niya. Nilalaro niya ang piercing sa tenga.
Hindi ba siya magsasagot?
Naramdaman yata nito ang pagtingin ko kaya sinilip niya rin ako. Mukhang nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko.
"I forgot how to do balancing" he said, lazily while scratching the back of his head.
"What? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwala kong tanong.
Imposible, easy nga sakaniya kanina ang mga tanong! Paanong sa balancing pa siya mawawalan ng score?! At ang reason ay nalimutan niya kung paano mag-balance. What the fuck is that nonsense?
![](https://img.wattpad.com/cover/286481551-288-k319590.jpg)
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...