Chapter 26

85 6 0
                                    

"HINDI mo na ba ako mahal?"

Namuo agad ang luha sa mata ko nang marinig siyang itanong ito sa akin. How dare him question my love for him.

I thought we promised?

Hindi na ba siya naniniwala sa pangako ko? Bullshit.

Tangina, suot niya pa ang singsing. Para saan iyon? Design? I thought that ring connects the both of us...joke lang ba 'yon?

Hindi ako nakapunta sa pinag-usapan namin. He waited for me. That night, mali ako. Hindi siya umuwi. Kaya pala wala siyang imik nang makabalik ako.

Nagdamdam na pala ang lalaki. Hindi ko inakala na magkakaganito siya. Na sobrang halaga pala sakaniya ng araw na iyon.

Pero kahit ganoon na kasalanan ko ay ganito pa rin siya. Bigla nalang siyang kumakatok sa pinto ko nang hindi ko inaasahan.

Siya lagi ang lumalapit para magkausap kaming dalawa.

MADALING-ARAW ay gumising ako upang i-check siya sa couch. Hindi siya halos magkasya dahil sa tangkad niya.

I know how scared he is. Lalo pa nang hindi ako sumipot that day.

Umupo ako sa tapat niya at hinaplos ang kaniyang buhok.

"I'm sorry, Colt..." panimula ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Sobrang payapa. Sobrang gwapo, kaso kapag gising sobrang gago.

Napangiti ako.

"Hang in there a bit more, okay? We'll figure it out soon...we'll be fine, yeah?" parang tangang kinausap ko siya kahit mahimbing ang tulog niya.

Patuloy kong hinaplos ang buhok niya. We'll settle everything first and after that...I will come to him, so he needs to be strong 'til that day come.

"If you ever feel like I don't love you anymore...just come to me, hmm?"

Naalala ko ang mukha nito kanina, sobrang lungkot niya. Halatang matagal na nag-overthink sa unit niya bago pumunta rito sa akin.

Umiling ako.

"Don't be silly, I will always welcome you if you come to me"

I kissed him on his cheek kung saan ko siya sinampal kanina. After that, I left him alone again in the couch.

Pagsapit ng umaga, nag-iwan ako ng gamot sa tabi niya at maaga na akong umalis. Inunahan ko talaga siyang gumising para hindi na kami mag-abot pa.

Tuwing magkikita kami sa HQ ay normal lang. Casual din kaming mag-usap pero kung tungkol sa trabaho ay pormal. Ganoon kami sa mga sumunod na araw at linggo.

Masyadong marami ang iniisip at ginagawa namin para unahin pa ang mga nararamdaman. Work loads, operations, personal matters...at marami pang iba.

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakapag lakad-lakad sa labas nang walang iniisip na trabaho.

But, today...it's different. I rode my big bike and drive myself home. Magpiprito ako nang maraming manok.

Birthday ni Zoe, ito ang kasintahan ni Gab. Kung mag-asawa ba sila o ano, labas na ako ro'n. Sigurado naman ay maiimbitahan ako sa kasal kung sakali man.

"Damn it!" gusto ko nang ibato ang hawak na tong habang hinahango ang mga manok sa mainit na mantika.

Kahit anong pagdadahan-dahan ko ay may iilan pa ring tumalsik sa aking balat. Mahapdi ang mga iyon, pero hindi ko na muna ininda dahil kailangan ko nang matapos iprito ang lahat.

Nang matapos ay tinikman ko ang isa upang siguraduhin na edible ang mga niluto ko. Masarap naman. Pwede na.

Nagkita-kita kami nina Commander at Colton saka sumakay sa iisang sasakyan papunta kila Gab.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon