COLTON is up for something big. I just know. I'm nervous but at the same time...proud. Finally, he's out of his comfort zone. It might took him a bit long but, he managed to do it, anyway.
I smile everytime I caught him zone out and got lost in his own thoughts. Malalim palagi ang iniisip niya the past days. I'm happy that he's not being impulsive and being careful with his every move. I actually enjoy watching him do these things.
I know how serious it is for him. Para sa akin din naman, mahalaga ang bagay na ito...pero hindi ko mapigilan. Sobrang cute niya kapag seryoso.
I can't help but smile secretly.
WE attended the wedding of Cap and Zoe. Everything went smooth and the newly wed couple looks adorable.
Ito namang kasama ko, panay bulsa ng shanghai sa coat niya. Nakakahiya sa ibang guests, pinagtitinginan na kami.
"Eat, my lady" aniya at minuwestra pa ang pagkain na nasa harap ko.
Ang dami niyang sinandok para sa aming dalawa. Mukhang ginutom ito dahil sa pagsasayaw niya kanina. Hindi pa rin niya inaalis ang neck tie na nakabuhol sa noo niya. Mukhang tanga talaga.
Nang maubos ang kinakain ay nagpalakasan pa kami ng dighay. It's so gross but funny at the same time. Walang manners talaga itong si Colton Venom, idinadamay pa ako.
I smiled, we actually use to play this silly game before.
"This whole set up would be the cause of my death, it's killing me in the most precious and gentle way" makahulugang halakhak niya maya-maya.
Napatigil ako sa pag-ngiti. Tumikhim ako at sumimsim sa aking tubig. He watched me as I wipe my own lips.
Tumitig ako sakaniya pagtapos. Lumamlam ang mga mata ko nang makita ang pagbabago ng emosyon sa kaniyang mga mata.
"How much do you love our job?" I asked.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko sakaniya sa dami-rami nang pwede naming pag-usapan nang gabing iyon.
He was taken aback by my question. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay sumagot din siya.
"I love it so much, River. I'll...sacrifice everything for this job"
Inaasahan ko na iyon. Pero medyo nagulat at mapanganga pa rin ako nang marinig ito.
"Everything..." I whispered to myself, but I know that he heard it.
Umiwas ako nang tingin at pumako ang paningin ko sa kawalan. Sinubukan kong huminga nang malalim para hindi matuloy ang pagdagan nang kung ano sa aking dibdib.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga.
"Ikaw, how much do you love our job?" malambing na balik niya sa aking tanong.
Hindi na ako nag-isip pa.
"I'll do the same, I won't lose this job for any stupid reason" walang gatol na saad ko at tumawa pa.
Ngunit ang ngiti ko ay hindi umabot sa aking mga mata.
Tumango siya. He looks proud of me. May kung anong bumara sa aking lalamunan.
"That's why you deserve your position in L'ombre, 005" he smiled at me genuinely.
It was my que to excuse myself. I can't continue this conversation anymore.
We already chose this path a long time ago. Matagal na kaming nag-desisyon. Bakit kailangang ipaalala pa namin sa isa't-isa ang sakit na kalakip nito?
We're two grown men and women who both has priorities...can't we just continue to be this way? Bakit kailangan pa naming balikan ang parteng iyon kung saan nakakalimutan namin ang mga responsibilidad namin.
I suffered enough from guilt. Hindi na kailangan pang ungkatin ang lahat sa ganitomg paraan. I don't wanna be selfish anymore.
"Pull yourself together, River Gallardo." I told myself in front of the mirror while locking myself up inside the bathroom.
A lone tear rolled down my cheeks when I rember how my young self cried herself to sleep after that fucking break-up. I can't even remember how I get over that miserable part of my life.
I remember hating myself that time. Kasi sa mga oras na iyon, marami akong dapat isipin bukod sa putanginang break-up na 'yan. I had examinations to pass, may readings akong dapat tapusin, may mga trabaho akong dapat unahin, may operations kami...may mas mahahalagang bagay ako na dapat gawin. But I was stuck there, crying like a fucking loser.
Ang hirap pagsabay-sabayin. But everytime I think of Colton and how hard it is for him to cope with all those things while relapsing from his bad habits...I just lose it.
And now that we got a bit older, I thought it would be a lot easier for us. Doon kami nagkamali. Kasi kahit anong subok namin, kahit gaano pa namin ipilit, wala na talaga.
It was so frustrating and suffocating at the same time. Sobrang dali sabihin na ilaban...na subukan pero, what if sinubukan na and still it didn't work?
We tried every single way possible. Time and space? Say less. Grow up? Oh, don't even fucking start...we've grown matured!
Or not? What's the basis of maturity, anyways? When we turn fifty? Ofcoarse not. I know it's not just about the age...because I grew up with few adults around, but never felt like I did.
Marahas kong hinawi ang aking kulot na buhok. Naiirita ako sa aking sarili. Heto nanaman ako...nag-iisip ng mga bagay na hindi naman dapat.
How can I think selfishly at times like this?
Gusto kong tumakbo sa labas at itakas si Colton. Gusto kong magnakaw nang kahit ilang minuto para kalimutan ang lahat. Gusto kong tumakas kahit ngayon lang.
Tataliwas kami sa tamang landas na nagsasabing mali ang nais naming tahakin.
Kahit ngayon lang...nais kong dayain ang isang laro kung saan sarili ko mismo ang aking kalaban.
Kumuyom nang mariin ang kamao kong nakapatong sa lababo. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at iilang beses na nagpakawala nang maririin na mura sa aking isipan.
And in my shaking voice, I uttered. "Now is not the time...I will just regret it" Yumuko ako at kinalma ang aking sarili.
Few deep breaths and I decided to step out of the bathroom. Nakapag-bihis na ako ng damit. Mukhang kailangan ko na ring umuwi para magpahinga.
I still have works to do tomorrow. Mas kailangan ko ang tulog ngayon.
"Commander, una na po ako" magiliw na paalam ko.
Commander looked at me at tanaw ko ang biglaang paglungkot nang ekspresyon nito. I smiled a bit.
Commander might be too strict a lot of times...pero alam kong higit sa lahat ay ito ang siyang nag-iisip kung ano ang mas makakabuti para sa amin.
"Uwi ka na, 'nak?" simangot niya.
Tumango ako. Parang may humaplos sa puso ko nang tawagin niya ako sa ganoong paraan.
"Mag-iingat ka, gabi na. Gusto mo hatid?" he asked.
Ako naman ang sumimangot ngayon. Patawa talaga ito.
"Commander naman" kamot-ulo kong saad.
He smiled. Hinaplos ako nito sa ulo.
"Oh, siya sige na. Gulpihin mo nalang mga haharang sa'yo sa kalsada. Pwera sa pulis kapag may checkpoint, syempre" tawa nito at ngumiti nalang ako sa joke niyang hindi naman nakakatawa para sa akin.
"Sige po"
Tumango ito at pinaalis na rin ako.
Masalubong ko ang ilan sa mga operators.
"Uwi ka na, Ver? Aga!" reklamo ng isa.
"Ingat!" sabay na saad nila.
Tumango lang ako sabay saludo sa mga ito gamit ang dalawang daliri bilang paalam.
Hindi ko na tinanaw ang lalaking nag-iisa sa table na kanina ay kinauupuan naming dalawa. Dama ko ang habol-tingin nito sa akin. Hindi ko siya nilingon at umalis na ako nang hindi nagbabalik-tingin.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...