"MY NAME IS SCOUT CRAISE, NICE TO MEET YOU"
Muntik nang malaglag ang panga ko. Ngayong araw ay nakilala ko na sa wakas nang pormal ang kapatid ni Colton Venom.
Scout Craise Montecillo.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha ng lalaki at hindi ako makapaniwala dahil sobrang gwapo nito.
His jet black hair is thick and wavy. Though his eyebrows are not thick like his sibling's, its shape alone is enough to win a woman's heart. His deep set of eyes contain a lot of emotions that I can't name and his nose is tall and almost close to perfection. The shape of their thin lips is exactly the same.
Gaya ni Colton ay maputi rin ang balat nito at mamula-mula. I see few moles on his jaw, but there's no scars at all. My brows knotted slightly. Bukod sa matalim nitong mga mata at masungit na kilay, soft na ang lahat ng features niya.
I love how their features got so many contrasts. Both sharp and soft, with a hint of roughness and gentleness.
Kinilatis ko ang pangangatawan nito at nakita agad ang pagkakapareho nilang magkapatid. Their body built is almost identical to each other. And oh, his hands...each finger is like a candle. Just like Colton's, it look soft and warm. As if they've been gentle their whole lives.
But, I knew better. Hindi man halata ngunit gaya ni Colton, I know that he's also capable of so many things.
Like killing his father? I don't know.
He didn't flash a smile and just gave me a blank stare.
Nang matapos naming pasadahan nang tingin ang isa't-isa ay naglahad ito ng kamay sa akin. Hindi ako sigurado kung napipilitan lang ba ito kasi hiniling ng kapatid niya.
Hindi ko agad inabot ang palad niya, nakatulala lamang ako roon.
"Luh, tulala! Nakakita ka gwapo?" ngiwi ni Colton na kanina pa pala papalit-palit ang tingin sa aming dalawa.
Umirap-irap siya sa isang gilid pero hindi ko ito pinansin.
"Gallardo...Uhh, River Gallardo" pakilala ko at inabot ang palad nito na nakalahad.
Sarkastikong tumawa si Colton sa tabi, naghihiwa na ito ng mansanas.
"Gallardo, River Gallardo. Kaano-ano mo po si Bond, James Bond?" pang-aasar nito pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Nice to meet you, Scout" pormal kong bati.
Tumango lamang ang lalaki. Sobrang tahimik nito. Kanina pagdating namin ni Colton, tumayo lang siya para batiin kami.
Kung hindi pa ito kinulit ni Colton ay hindi pa magsasalita. Ewan ko kung paano sila nagkasundo agad, pero sobrang taliwas ng mga ugali nilang dalawa sa isa't-isa. Dahil obviously, si Colton ay medyo maluwag ang turnilyo sa utak.
Kung hindi sila magkamukha, hindi ko talaga aakalain na magkapatid sila.
Matapos magpakilala sa isa't-isa ay bumalik na si Scout sa kaniyang ginagawa. Nagbabasa ito, kung gaano karaming libro na ang natapos nito ay wala akong ideya. Basta alam ko ay marami na.
Sobrang bilis nang paggalaw ng mga mata niya habang iniiscan at binabasa ang isang page. Tapos lipat na agad. Sobrang seryoso niya sa pagbabasa na tipong nakalimutan niya nang narito pa kami.
"Sarado bibig, idol. Ano, poging-pogi ka ba kay Kuya?" simangot ni Colton.
Muntik ko na siyang batukan nang harangan niya ang kuya niya mula sa paningin ko.
"You look exactly the same, it's insane..." komento ko.
Napakurap si Colton sabay ngiti. "Parang sinabi mo na rin na gwapo ako, hehe" ngumiti siya kaya lumabas nanaman ang kaniyang dimples.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
عاطفيةColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...