Chapter 32

90 6 2
                                    

SA mga nagdaan na araw ay nangako akong hindi ako maghahanap at maiinip. Pero tuwing mapapalingon ako sa work desk ko, parang kating-kati ako lagi na hanapin siya.

Gustong magtipa ng mga daliri ko, magbuting-ting ng mga bagay at maghanap ng mga informations na magtuturo sa akin kung nasaan siya. It was just an easy task for me, pero bakit hindi ko magawa?

Umupo ako sa harap ng desk ko at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang mga bagong kaso na inuwi ko galing sa office. Binuklat ko ang mga iyon saka nag-unat.

I wore my specs, turn on my lamp and starts reading. I'll study all of these tonight and won't miss any single detail in each statements.

I'll work my ass off 'til the sun goes up so I could atleast distract myself. I want to get rid of these chaotic thoughts in my head.

PAST midnight, I felt thirsty so I made myself some fresh orange juice. Isa ito sa mga nakasanayan ko, ang uminom ng fruit juice habang nagbabasa. Mula noon, gawain ko na ito.

Habang kitakatas ang mga orange ay napapapikit na ako. Nagpunas ako ng mga kamay at sandaling kinusot ang mga mata ko.

Nang matapos, nilaklak ko na agad ang ginawa kong juice. I took my eye glasses off and wipe the lenses using the lower part of my shirt.

Bumalik ako sa pagbabasa. Hindi ko na namalayan ang oras, ngunit nang kusang bumagsak ang ulo ko sa desk ay tiyak akong tumatama na sa pisngi ko ang liwanag mula sa labas ng bintana.

IN my dream, I felt a soft caress on my cheek.

A light kiss was placed on top of my head and a silent "You did well, Attorney..." was the last thing that I heard before I woke up.

Mabilis ang naging pagbalikwas ko. Ngunit nang iligid ko ang paningin sa loob ng aking silid, I was alone. Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga.

Silly me, of coarse I'm alone. I locked my door last night, kaya walang makakapasok.

I blinked a few times more to adjust my sight because the sunrays were hitting my face directly from the outside of my window.

I got myself ready, magwawalis pa ako sa amusement park. I overslept. It's supposed to be just a quick nap, but I ended up sleeping for two complete hours.

"River!"

Mabagal akong lumingon para harapin ang tumawag sa akin.

"May nagpapabigay" ani Khleo, pangisi-ngisi ito at pailalim ang tingin sa akin.

Siraulo ampota.

Inabot ko ang binibigay niya. Kahon iyon na pahaba at medyo may kalakihan, siguro ay nasa 8 inches ang haba tapos kulay itim na may pulang ribbon.

"Sino raw?" mausisang tanong ko, sinisipat ang kahon.

May naramdaman akong medyo gumalaw sa loob. Medyo matimbang din ito.

Nagkibit-balikat siya saka nginuso ang note sa kahon. Maliit lang iyon, pero nababasa naman ang printed text na naroon.

"May name naman yata, check mo nalang. Iniwan lang sa guard house tapos may name mo. Ikaw lang naman Gallardo dito, right?" mahabang saad niya, tumango ako.

Pinatunog nito ang dila saka lumakad na paalis matapos sagutin ang tanong ko.

Tinabi ko ang hawak na walis bago lumakad papunta sa ilalim ng puno para sumilong sandali.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. What now? Isang beses kong inalog muli ang kahon. Medyo malaki talaga ang laman nito.

Sunod kong sinuri ang note na nakakabit dito.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon