"EXCUSE ME”
Naagaw agad ang pansin namin dahil sa maligasgas at malalim niyang tinig. Pinapogi pa ang tono, papansin talaga.
Kakatapos lang nila tumugtog. Dumiretso agad siya sa table namin. Hindi niya pinansin si George na naka-akbay sa likod ng couch na inuupuan ko.
“Ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin na para bang pagmamay-ari niya ang lugar at bawal ako rito.
Kapal.
“Who are you?” tanong ni George sakaniya.
Nakita ko ang pagsalisi nang inis sa mga mata niya. Natuwa ako pero hindi ko pinahalata.
What's wrong, Colt?
“Kilala mo ba siya, Attorney?” malamig na tanong ni George sa tabi ko.
Isa pa ito, ulol din.
“He’s someone I know” tugon ko, mas malamig.
Ang mata ay nakatuon kay Colton.
Tumabang ang ekspresyon ni Colton dahil sa sagot ko. Ayieee, mapipikon na 'yan. Suntukin mo nga si George kung matapang ka, oh.
“Pwede lumayo ka, pre? You’re ruining my birthday” sikmat ni George.
Pinagtitinginan na sila ng mga kasama namin sa table. Mga eskandaloso kasi.
Hindi makapaniwalang tumawa si Colton saka umatras. He gave me one last glance before he left the scene.
Pasimple kong pinakawalan ang hininga na pinigil ko kanina. I brushed my curly hair using my fingers. That was intense.
Dati ko pa nakikita na nakikipagtalo si Colton. Pero ngayon lang siya ganito, iyong parang galit pero nagtitimpi kaya naman umiigting ang kaniyang panga at matalim ang mga titig.
He looks jealous, and it was so fucking immature of me to like that certain expression of him.
Bumalik na siya sa table nila. Medyo may kalayuan sa amin pero tanaw ko kung paano siyang asarin ng mga kaibigan niya.
I saw how he threw a bottle toward his friend. Pikunin talaga ang lalaki.
Nang isa-isa nang nawala sa table ang mga kaibigan niya ay naiwan nalamang siya roon na nag-iisa.
Banayad akong umiinom sa table namin habang panay ang bulong ni George sa akin. Hindi ko naman ito iniintindi dahil diretso lamang ang tingin ko kay Colton.
I'm trying to let him know that I only got my eyes on him. I smirked when a girl suddenly approached him.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Agad na dumapo sa gawi ko ang kaniyang paningin. I didn't show any reaction and continue to sip on my drink.
Binasa ko ang bukas ng labi niya
"Miss, bakla ako"
Muntik ko nang maibuga ang aking iniinom pero pinigil ko.
"Are you okay?" masuyong tanong ni George, inabutan niya ako ng tissue.
Tinaggap ko naman iyon at pinunasan ang tumakas na inumin sa gilid ng labi ko.
Tumango ako sakaniya, napansin ko na mapungay na ang mga mata niya dahil sa dami ng kaniyang nainom.
Inaya niya akong sumayaw pero tumanggi ako. Sa huli ay sumuko nalamang din siya at nagpaalam na magba-banyo muna.
Nang magbalik tingin ako kay Colt ay wala na ulit itong kasama gaya ko. Pero matalim ang tingin nito sa akin.
Hindi ko siya inintindi. Binabalak ko nang umuwi sana, kaso parang wala pa siyang balak na umalis. Ano pa ba ang hinihintay ng isang ito?
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...