MAGKIKITA kami ni George ngayong araw. He called me, mag-uusap daw kami.
"What happened?" mabigat na agad ang hininga niya nang magtanong.
"Wala pa," sagot ko.
Bumaba siya sa sasakyan at lumakad kaya sumunod ako sakaniya. He looks mad. Great! Mukha na talaga kaming nag-aaway na mag shota sa tabing-kalsada. Badtrip.
"George, Hear me out—"
"I'm trying to" giit niya.
"Kaso, River...alam mong may posibilidad na mawala ang lisensiya mo, right?" may halong pag-aalala ang tono niya nang magtanong.
Napalunok ako.
"You'll never let that happen" tiwalang saad ko at seryoso siyang tiningnan.
He looked at me too. Nahilamos niya ng palad ang sariling mukha dahil sa inis.
"I hate this. I fucking do, River. Hindi mo kailangan gawin 'to" nanghihina niyang saad.
Umiling ako at hinawi ang kamay niya na humawak sa balikat ko.
"Would you protect me in court if I kill that man?"
Ang tinutukoy ko ay ang matandang Ferroá.
Parang mababaliw na siya nang ginulo niya ang sariling buhok. Ilang beses siyang nagmura.
"Tangina, River. Malaking tao ang binabangga mo, kaya nilang baliktarin ang sistema" he said, trying to let me think this through.
Pero buo na ang loob ko.
"Fuck the system, George. You know that I don't care about it and I've been doing it my own way."
"And your way of resolving cases like these is not applicable at all situations, River. You do fucking know we have our own limitations too!"
Medyo tumataas na ang boses niya dahil sa inis. Naiintindihan ko siya.
"Can't you help me pull some strings just once?" makaawa ko rito pero umiling lamang siya.
"I'll use our power and connection while you're out killing some dude? That's so fucked up, River. Hindi mo ba 'yon naiisip?"
Ramdam ko ang frustrations na nararamdaman ng lalaki nang sabunutan niya ang sarili, parang masisiraan na ng bait ito pero hindi ako tumigil.
Sumeryoso ang mukha ko. "He's not just some dude, that man is a psycho and he kill people for his own pleasure!" sikmat ko pabalik.
"Prove it, then. Bring me a solid evidence." aniya at pinag-krus ang kaniyang braso.
Ako naman ang nairita ngayon.
"Let's do this the right way, River. Iyong walang napapamahamk na lisensiya at walang makukulong na abogado, hmm?" hikayat niya sa akin ngunit mabagal lamang akong umiling.
I've made my decision. I know that I can handle this myself. Lumapit lang ako sakaniya para sa isang dahilan, to cut ties.
I'll made this as an excuse to cut him off of me forever. I hate gossips about us, hindi ko gusto ang kahit alin doon.
"Thank you for worrying about me, Attorney. I hope that this matter would just stay between the two of us" yumuko ako rito sandali at napamaang naman siya.
"I'm sorry, River" paumanhin niya at ngumiti naman ako sakaniya.
"It's okay, I'll just do it myself" saad ko habang may matamis na ngiti sa aking labi.
Akma akong aalis nang hagipin niya ang pulso ko. Naroon sa mga mata niya ang pagpigil sa akin pero binawi ko pa rin ang kamay ko mula sakaniya.
"You'll regret it in the future, trust me...it's not worth it" paulit-ulit siyang umiling.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...