THE next day, I decided to tease Colton a bit. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya nang sabihin ko na baka si George ang naghatid sa akin sa hotel kagabi kahit pa alam ko naman na siya ang kasama ko.
Well, he drugged my drink. Bumabawi lang ako.
“Wait. I saw you there, too. Nakita mo ba kung sino naghatid sa akin?” pagkukunwaring tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya dinugtungan ko agad ang sinabi.
“Si Attorney yata naghatid sa akin. Pero nakakahiya. Birthday pa naman niya.” Saad ko, pinipigilan ko ang matawa dahil halata ang inis sa mukha niya.
“Hoy, ang tahimik mo d’yan! Nag-stay pa ba kayo ng mga kaibigan mo hanggang midnight?" I asked.
"Nambabae ka, no? You, playboy...” tukso ko sakaniya at akmang tutusukin ko ang bewang niya pero maagap na siyang tumayo.
“Maaga akong umuwi kagabi. Hindi ako nambabae. Pero, oo. May inuwi akong babae kasi hindi na maka-lakad nang maayos. Okay na? Pwede ba River, sa susunod ‘wag kang nag-iinom at nagpapahatid kung kani-kanino? Hindi mo naman sure kung mapagkakatiwalaan talaga ’yang pinagyayabang mong attorney!”
Sa sobrang bilis nang pananalita niya ay kinailangan niya pang habulin ang sariling hininga pagtapos.
Umalis siya at ako naman ay naiwang tulala roon. Kita mo itong tao na 'to. Siya nagsimula na mang-prank, tapos siya naman ang pikon.
Badtrip.
Months passed by loke a hurricane. Maraming nangyari, muntik pa mamatay si Cap. Pero nakaligtas naman ito, masamang damo.
George and I got close with each other, too. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nagsimula ng lahat nang magtulong kami at magtrabaho sa iisang case.
Here I am now, having a talk with him about the incoming trial of a case that he's working on. Sa gitna nang pag-uusap ay sumulpot na parang kabute si Montecillo.
Tinawag ako nito at pinalapit.
"Ilog!" he called me.
Badtrip! I hate it when he calls me Ilog. Patago akong umirap.
"Ano bang kailangan mo?" kunot-noong tanong ko nang makalapit.
"Pinapaabot ng senior information team natin, sa'yo nakapangalan" tamad na saad niya atsaka namulsa.
Napamulagat ako nang maalala ang ni-request ko sa dating senior info agent namin.
"What the fuck? Dumiretso ka talaga rito, para i-abot 'to? Sana sa HQ nalang, mamaya" bulong ko at mabilis na kinuha sa kamay niya ang envelope.
Ngumiwi ito at umiwas nang tingin. "Confidential 'yan, ingatan mo" saad niya saka tumalikod.
Ofcoarse, iingatan ko ito. Ako ang humingi nito sa former info team, duhh. Atsaka ang laman nito ay...mahalaga.
Nang tumalikod siya at nagsimula nang lumakad ay sinubukan ko pa siyang tawagin kaso hindi na ito lumingon pa.
"Colt! Colton—fuck you!"
Natutop ko ang labi nang magbalik tingin kay George. Sumipol siya.
"Fuck who?" birong tanong niya saka natawa.
Hindi ako tumawa pero ngumiwi ako sakaniya bilang reaksyon sa kaniyang sinabi.
THAT night in my apartment, agad kong binuksan ang mga file na nanggaling sa former information team na ni-request ko pa talaga directly mula sakanila, last month.
I was hesitant to run a background check for a long time, pero sa huli ay nakapag decide rin ako.
This is not something I should do. Alam ko naman iyon, pero hindi ako pinapatulog ng aking malikot na isipan.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...