NASASAKTAN ako para kay Gab. Gusto ko nalang tumakbo sakaniya ngayon at yakapin siya. It sounds gay, pero sa mga oras na iyon ay gusto ko nalang siya sugurin nang mahigpit na yakap.
That night, alam kong sobrang wasak siya no'n. Pero he managed to appear strong and tough. Like he always does.
Kung ako 'yon iiyak nalang ako. Masculine, masculine. Baby girl ako. Charot.
He found out that his real father is actually Commander. Ang tagal na nila o namin na magkakasama, naghihintay siyang umamin si Commander sakaniya...pero hindi ginawa ni Commander.
I can't imagine the pain that he tried to hide this whole time. Ang tagal na niyang alam. Ang tagal niyang nanahimik at naghintay, pero sa huli ay nabigo pa rin siya...
ISANG araw sa HQ, after the incident ay nagkaroon ng meeting. Present lahat ng operator pero si Gab, wala.
Naninibago ako.
"Ayoko mag-meeting!" reklamo ko at pinag-krus ang mga braso ko sa dibdib.
"Colton!" halos magkaka-panabay na sigaw nila.
Pagod na ang mga ito sa akin.
"Ayoko nga! Tawagan niyo muna si Cap!"
"Colton Venom!" ulit nanaman nila sa pangalan ko.
"Ano?!" barumbadong sagot ko sa mga ito.
Lahat sila ay halos sabay-sabay na nagbuga ng hangin dahil sa inis sa akin. Wala akong pakialam sa nararamdaman nila.
"Calm your ass, Montecillo—"
"No, Commander. I want Captain here. Call him! Kung ayaw niyo edi puntahan nalang natin. Nag-aalala na ako. It's been weeks, miss ko na siya!" pagwawala ko at tinalikuran silang lahat.
Dinaig ko ang five year old na bata sa pagta-tantrums ko. Hindi ako papayag, kailangan nila ako pagbigyan kasi hindi ko aayusin ang trabaho ko.
Dinig ko ang buntong-hininga nang bawat isa. Hindi man kasi nila aminin, alam ko namang nangungulila na rin sila.
Hindi lang ako ang may sayad dito at maluwag ang turnilyo, alam ko 'yan.
Halata naman kasi sakanila. Lalo na sa mga operation namin. Aksidente kaya nilang natatawag si Cap lalo na kapag mahigpit ang sitwasyon. Tapos mapapamura sila nang malutong kasi walang sumasagot sakanila.
Pagbalik dito sa HQ, mga nagdadabog.
"We need him, especially me. Hindi ako makahinga kapag wala si Gab, Commader. Parang ganito." nguso ko atsaka nagpanggap na parang hihimatayin.
Buti naman ay gets agad ni Khleo kaya sinalo niya ako.
Mahina ko siyang pinasalamatan saka ako tuluyang nahimatay kunwari. Hindi pa dapat ako titigil kaso hinampas na ako ni Commander ng baril sa noo.
"Aww!" palahaw ko at mabilis iyong hinimas-himas.
"Umayos ka nga!" angil nito sa akin.
"Hoy, Commander! Anak mo 'yon, ah. Baka nakakalimutan mo." sumbat ko sakaniya at hindi na maiwasang mainis.
"Kaya nga! Anak ko 'yon, kaya alam kong ayaw niya tayong makita ngayon!"
"Ikaw lang, 'wag mo kami idamay"
Ito ang sabay-sabay naming tugon at hindi naman na naka-porma pa si Commander.
"Hala, lagot...galit sa'yo 'yon" pananakot ko pa rito.
AFTER nang mahabang diskusyunan ay natagpuan ko nalamang ang sarili sa harap ng gate nila Cap.
Hindi nakasama ang lahat kasi baka mairita sa amin sina Cap at Zoe.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...