Chapter 31

89 5 0
                                    

PAGLABAS ko sa office ni Commander, tuyo na ang mga luha sa mata ko. Namumula pa rin ang mga mata, pero itinago ko na ito gamit ang makapal kong buhok.

Dumiretso ako papunta sa sarili kong silid ngunit nang madaanan ang kwarto ni Colton ay sandali akong napahinto sa tapat nito. Pinagmasdan ko ang pinto at agad na na-imagine kung ang nasa likod nito.

Kabisado ko pa rin ang ayos ng kwarto niya. Ang kulay ng mga sheets at ang mga figure na nakahilera sa shelf niya. I can picture his organized closet and his collection of shoes, the poster of his favorite band on the wall and his black carpet where we use to sit and hang out after a tiring operation.

His work desk, the lamp that I bought him for our anniversary, the comics that he hide beneath his paper works and his addiction for paper clips that I find silly.

And oh, of coarse his pet rock lying on a small box. He named it canon. He use to always told me that Canon reminds him of me. Because according to him, we're both cold and boring...but cute.

Tumiim ang aking labi at pinigilan ang sarili kong pihitin ang doorknob upang sumilip sa loob.

"He never called us, that fucktard"

Napalingon ako sa nagsalita. Nakasandal siya sa kabilang dako. Naramdaman ko ang pagdating niya kanina pero hindi ko pinansin.

"Colton is a dumbass most of the time but, he'll never ditch us, you know?" he added.

Masungit siyang magsalita, halatang suplado. Tinaasan pa ako nito ng kilay. His arms were crossed in front of his chest while speaking.

"I know" maikling tugon ko.

Nagkibit balikat siya at ngumiti, naningkit ang mga berde nitong mata.

"He's a fool. Don't cry, Ver" malambing na saad nito at tumango sa akin bago tuluyang umalis.

After Calvin left, I decided to go inside my room too. Pinagmasdan ko ang kisame habang nakahiga sa kama.

Three months have passed, still...there's no signs of him. I remain positive the whole time, but I got a little impatient today. And so, I came and asked Commander para na rin makuha ko ang sagot sa mga tanong ko. I did get the answers. Kaso lang ngayon naman ay hindi na ako lalo mapanatag.

What went wrong, Colt?

Ito ang paulit-ulit kong tanong. Bakit wala kaming balita mula rito? Ang tagal ko rin sinubukan na hanapin siya, at oo nahanap ko siya. I saw him on the news, but that's a week after he left. Matagal na iyon.

That's the last thing I found. I tried searching around the area, and I also found the hotel where he stayed for a couple of weeks. But, when I got the lists of the hotel rooms. His were already vacant. After that, I never tracked his location again. Nawala na siya na parang bula.

Hindi rin alam nina Commander kung ano ang report na dala niya kapag umuwi siya. Everything is planned, pwera lamang sa pagkakawala niya.

Last month, narinig ko ang pag-uusap nina Cap at Commander. Captain was telling Commander to search for him, kaso ayaw ni Commander. Si Colton daw ang uuwi, hindi raw namin ito susunduin.

Frustrated na rin si Captain sa nangyayari. Pero sa palagay ko ay planado na talaga ang lahat. Alam ni Commander na si Colton mismo ang susulpot kapag handa na ito at wala nang naiwan na gusot.

Ganoon ang nangyari. Hinayaan naming lumipas ang mga araw at hindi pinansin ang pag-aalala na nararamdaman namin.

I trust him. Inulit-ulit ko 'yon sa isipan ko.

"ATTORNEY!"

Lumingon ako at natagpuan ang babaeng humahangos. Bata pa ang babae, siguro ay college student palamang. Morena ang balat nito ngunit halata rin ang pagkakaroon nang dugong banyaga.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon