ALAM ko na ang eksaktong lugar na kinaroroonan ni Colton.
Hindi ko talaga alam ang mararamdaman. Makakampante ba ako? Kasi nalaman kong nasa loob pa rin siya ng pilipinas at hindi lumayo? Na maaari kong puntahan ngayon din?
Syempre, hindi! Putangina, bakit ako makakampante? I've been calm my whole life. Nakakapagod na!
Being nonchalant wouldn't work for now. I wanna be impulsive. For once, I wanna go there and throw bombs, burn the place down and destroy every piece of it. I wanna kill everyone and fucking erase them from the fucking map. My eyesight becomes dark with hatred.
IYON ang mga nararamdaman at naiisip ko bago umalis ng bahay. Pero nang marating ko ang kinaroroonan niya ay matinding pagtataka lamang ang naramdaman ko.
The place doesn't look anything close to what I expected. Maaliwalas ang lugar, walang mga pakalat-kalat na pangit. It's not even a place that I can put to a massive explosion because of its look and great ambiance that it give. What the fuck is happenening?
Bumaba ako sa sasakyan ko at hinubad ang aking itim na helmet at nalilitong hinawi ang aking itim at kulot na buhok. Agad tumama sa akin ang kakaunting sinag ng araw. Inumaga na pala ako sa byahe.
Dilat ako sa mga pangyayari. Tumabi ako nang may dumaan sa gilid ko. May buhat sila na mahahabang lamesa at balot iyon nang magagandang kurtina.
I look out of place, actually. Ngumiwi ako, nakabihis nang maayos ang mga nag-aasikaso sa lugar. Tapos ako naka all-black, ready makipag-digmaan anytime.
Tumikhim ako, hindi sigurado kung magtatanong ba o ano. Tama ba ang lugar na napuntahan ko? Nagsimula na tuloy akong kuwestiyunin ang aking sarili.
Pero sigurado naman ako na dito ko talaga makikita si Colton. Never pa akong nagkamali sa paghahanap sa lalaking gala na iyon.
Ginilid ko ang sasakyan ko kasi nakaharang na ito sa dinadaanan ng mga nag-aayos.
Para silang nag-usap sa mga isusuot nila at ako naman ay parang outcast na hindi nasabihan sa theme ng party. What the fuck is going on?
Akma akong magtatanong nang may makita akong tao na pamilyar sa akin.
"Scout?" kunot-noong tanong ko sa sarili.
Si Scout nga, bakit nandito ang kuya ni Colton?!
Unang kita ko palang sa gwapo nitong mukha ay sigurado na akong siya ito.
Medyo malayo ang lalaki dahil nasa loob siya at may kinukuhang pagkain sa buffet table, parang ham and cheese roll yata at binubulsa niya iyon sa pants niya.
Wtf?
Kahit medyo malayo ay tila narinig ako nito. Subo pa niya sa bibig ang kinakain nang lingunin ako. Sandaling nagtama ang paningin namin at kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
Kita ko rin sa bukas ng mga labi nito ang kaniyang pagmumura.
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa loob at tumakas, pero sinundan ko siya agad.
"Hoy, Scout!" sigaw ko habang tumatakbo.
Malawak ang lugar at nang makarating sa likod ng venue, nagulat ako kasi may mga pool. Resort pala ito, kaya sa labas palang ay maganda na.
Nang maaabutan ko na siya ay mabilis siyang nagtago sa likod nang kung sino. Pagharap ay mas nalito ako kahit may namumuo nang ideya sa utak ko.
"Commander?" kunot-noong tanong ko.
"Ay Commander!" nagulat pa ito nang makita ako.
Litong-lito ako sa nangyayari.
Nilibot ko ang paningin at doon ko lang napagtanto na puro L'ombre operators pala ang narito sa resort.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...