Chapter 6

153 12 3
                                    

ANOTHER week passed by. Habang naglalakad ako sa kalsada ay palisaw-lisaw ang aking mga mata sa paligid.

Ilan sa mga store na nakikita ko ay may mga palamuti na para sa halloween. May nakasalubong pa nga akong bata na naka baby yoda costume. Sobrang cute.

Malapad ang ngiti ko habang pasipol-sipol na naglalakad. Malamig ang simoy ng hangin. Natatakam din tuloy ako sa dala ko.

I bought one bottle of my favorite red wine. Pero hindi pa ngayon ang tamang araw para inumin ito. Inilaan ko na kasi ito para sa espesyal na araw.

"Hays, pogi ko talaga"

Single na ulit ang crush ko.

Oo, single na siya ulit. Three days na. Naghiwalay din sa wakas ang dalawa.

The wait is over. Finally ay natauhan na si Ilog.

Mukhang nagbunga na ang pag share at copy link ko sa mga tarot cards reading sa tiktok. Sabi raw kasi, magkakaroon daw ako nang pag-asa sa minamahal ko kapag nag copy link ako at nakipag-interact sa video. Napa comment pa nga ako nang "Claiming this energy" eh.

PASIPOL-SIPOL ako hanggang sa makarating sa HQ. Kakaunti lamang ang tao sa hallway at sa lobby. Paglingon ko sa coffee bending machine ay naroon si Cap.

Hindi ito nagkakape, gusto lang niya roon kasi wala masyadong operators ang natambay doon kaya malaya siyang nakakapag send nang cringy message para kay Zoe. Yuck, so whipped.

Kumatok ako sa isang pinto after lagpasan ang hallway. Three knocks and I opened the door myself.

"Busy?" I asked, maingat akong lumapit sakaniya.

"Slight, wala kang work?" she asked.

"Tapos na" maiksing sagot ko.

Hindi ako magsasawang purihin ang kaayusan ng kwarto ni River. She's so organized and I can't help but admit that it makes her ten times hotter than she already is.

Naka-upo siya sa swivel chair niya behind her desk. Nagbabasa. Her hair is down, napaka ganda. Parang gusto ko i-trace bawat curls nito.

"Are you free this coming holiday?" tanong ko maya-maya.

"Not sure yet. Baka rito lang ako, hindi ako pala celebrate ng halloween, eh. Ikaw ba?"

Sobrang casual nang usapan namin. Bakit gano'n, wala manlang malisya? Nakakinis, ah.

Bastusin mo naman ako, River. Joke. Baka bigla akong pakyuhan nito.

"I'll...visit my mom"

Napatigil siya. Tumingin ito sa akin at ibinaba ang binabasang mga papel.

"Alone?"

Tumango ako. "Pero kung sasamahan mo ako, why not diba?" pabiro kong saad pero hindi ako ngumiti.

Tinitigan niya ako. Lumapit ako sakaniya at umupo sa couch malapit sa desk niya. Umikot naman siya para harapin ako.

I settled myself comfortably. Pinagkrus ko pa ang aking mga hita habang ang dalwang palad ay nakapatong sa magkabilang gilid ng upuan.

"Are you inviting me to the cemetery?" taas-kilay na saad niya, hindi makapaniwala.

Natawa ako.

"Huy! Assume pa more," tawa ko saka pabirong pumalo kunwari sa hangin.

Sinamaan ako nito nang tingin saka bumalik sa kaniyang ginagawa.

I smiled.

"I want to introduce you to my Mother, actually"

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon