Chapter 10

138 6 0
                                    

LANDIAN NANG LANDIAN. Sumasakit na mata ko kina Zoe at Gab. Ang lalandi nila. Mabuti nalang ay nauna na ring pumasok si Zoe nang lumalim na ang gabi.

Nag barbecue kami sa likod-bahay. Kwentuhan habang nag iinuman. Medyo tipsy na rin si Commander, mukhang napasarap ito. Halata rin ang pagka-miss niya sa anak.

"What's your next plan?" baling ko kay Gab.

Pareho kaming may hawak na bote ng beer habang nakatitig sa aming mini bonfire. May sariling mundo si Ilog dahil nag iihaw ito ng mallows kahit may isang plato pa naman siya ng barbeque sa tabi niya.

Kala mo uubusan, eh.

Si Commander, bagsak na.

"Marriage, yeah" at tumango-tango ito.

Malawak akong napangiti. Pinatong ko ang braso sa balikat niya saka pabirong ginulo ang buhok niya.

"Big boy plans na, ah. I'm so proud of you, fucker" I said with utter sincerity.

He smiled. I envy how he can already picture his future in his mind. I really admire Gabriel since I met him. The way he choose his moves and how his mind works. It's just so...impressive.

Nakaka-inggit lang.

I'm already in my thirties and still...wala pa akong mga hakbang na nagagawa gaya niya.

Hindi ko maiwasang malungkot para sa sarili. Mag-pari nalang kaya ako. Kaso parang hindi naman yata ako magtatagumpay doon, baka masunog kasi ako.

"Ikaw? Still not planning to settle?" He asked.

Tumungga ako sa hawak kong bote. Gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang sariling labi.

"Kanino naman, sa work? Pakasalan ko baril ko o 'di kaya iyong hospital, gano'n?" tawa ko at umiling-iling.

He tsked. "Puro ka trabaho, ah. Samahan mo nang landi, diba doon ka naman magaling" aniya at pabiro akong binatukan.

Nagtawanan kaming dalawa habang inaasar niya ako tungkol sa past ko.

"There's no such thing as retired playboy, Colt. Lokohin mo lelang mo" aniya at pinakita sa akin ang middle finger niya.

Tumawa ako. Medyo tinatamaan na rin ng alak ang sistema.

"Gago. Ako ang malaking patunay, tanong mo diyan" wika ko at tinuro ang nakatalikod na si Ilog.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at umiling. Alam kong alam nito kung anong meron sa amin ni River noon. Malinaw kasi kami noon. Pero ngayon, ewan. Malabo pa sa tubig kanal.

"Alam mo kung anong problema sa'yo?" He asked.

"Ano?"

"Gago ka, pero masyado kang matino"

I raised my brows at him.

"Remember, Colt...sometimes, you gotta be a lil insane in order for you to live" he said meaningfully while nodding his head.

"Whatever it is, just do it. Trust me it'll be worth it" He added and raised both of his brows at me once.

"Wow, life guru" ngiwing reaksyon ko.

"I'm serious, fucktard." binato niya ako ng tansan sa mukha.

Bumulong siya sa akin. "Have some balls. If you can pull the trigger, might as well bury the body and finish the game" and he plastered a very suspicious smirk.

"Hay nako...sinasabi ko sa'yo, walang masikip na butas sa matigas na ti—fuck!"

Napasigaw siya nang malakas ko siyang batukan.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon