AFTER the break-up, Colton showed a great amount of proffesionalism. He was attentive during operations, he even entered med-school with the highest score. He's doing so well.
So well that he fooled everyone, including me. His acting was so convincing and I never thought that a horrible thing is happening behind his success.
It was all too late when I found out that he had a massive relapse...
I bawled my eyes out as I recall his unmoving body with too much blood dripping from his head.
He was drunk, and a bunch of our enemy recognized his face which results to this.
I was not the only one who got mad and worried. The whole L'ombre was shocked, seeing him on that state.
Colton, my precious Colton...
HUMIGPIT ang pag kuyom ng aking mga kamao. Tinakbo ko ang kaunting pagitan mula sa dulo nang malawak na espasyo.
Sa gitna ay natagpuan kong nakalupaypay ang katawan ni Colton. Medyo malayo pa ako pero tanaw ko na ang walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa ulo niya.
Tumakbo ako para lapitan siya, sa likod ko ay naroon si Gabriel. Nakasunod ito sa akin hanggang sa marating namin si Colton.
"Cap," naiusal ko nalamang habang pilit na pinipigilan ang pagluhod ko sa buhanginan.
Gustong bumigay ng mga tuhod ko. Tatlong araw na akong walang matinong tulog, kain at pahinga. I stayed up for 36 hours without eating anything, just so I could find them. Ginugol ko ang lahat ng nalalaman ko para matukoy ang lokasyon nila at pinagdalhan nila kay Colton.
"Cap...si Colton. Si Colton, Cap" paulit-ulit kong saad at nilapitan ang nakahandusay nitong katawan.
Dinama ko ang pulso nito ngunit napakahina niyon at tila hindi ko na maramdaman. Nagsimula akong magpanic at binuhat ang ulo nito upang ipatong sa mga hita ko.
Nakatingin lamang si Cap sa aming dalawa at walang emosyong makikita sa mga mata nitong hindi nagtutugma ang mga kulay.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. Natagpuan ko na nga siya, ngunit bakit ganito. Parang huli na yata ako.
Dumating ang ilan sa aming mga kasamahan at inagaw sa akin ang walang malay na katawan ni Colton.
Akma akong susunod sa mga ito, pero halos maitulos ako sa kinatatayuan nang sa wakas ay marinig ko ang boses ni Cap.
"Stay, 005. Do your job properly because we don't need a crying lady in the battlefield."
Umawang ang labi ko at tila ako binuhusan nang malamig na tubig sa buong katawan.
Ayaw ko mang aminin, pero totoo ang sinabi ni Commander. Hindi ganitong klase ng River ang kailangan nila sa trabahong ito. At mas lalong...hindi ganoong Colton ang nais nila sa L'ombre.
We have to choose wisely. It's either, to be River and Colton...or be 005 and 009.
Pinili na namin ang trabahong ito, mahal namin ang trabahong mayroon kami.
Pero bakit umabot pa rin kami sa ganitong sitwasyon?
I almost lost him that night.
HABANG nakatingin ako sa natutulog na si Colton ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura niya nang araw na iyon.
Narito na kami ngayon sa HQ, nagamot na ang mga sugat niya at tiyak na ang kaligtasan nito. Hinihintay nalamang namin siyang magising.
May kumatok sa pinto kaya agad kong pinunasan ang luha ko.

BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...