Chapter 38

103 5 0
                                    

I AM aware of how short-tempered I was. Ayoko nang pinaghihintay ako, Gosh I even hate waiting in line. Sometimes, I feel like peoples are just a waste of time. Oo, iyon ang nararamdaman ko.

Pero may isang tao. Isang tao na kahit ubos na ang pasensiyang itinatago ko. Nagagawa ko pa rin siyang pagtiisan at pakisamahan.

Iyong tipong sasabog na ako sa galit. Mamamaril na ako konting pitik nalang sa akin. Pero sa isang lapit niya lang, sa isang lapit lang ng tao na 'yon. Nagagawa kong kumalma.

Though minsan, he's the reason why I pull the trigger of my gun. How ironic.

"Sorry, I'm late...may tinapos lang sa hospital" paumanhin niya.

Seryosong-seryoso ang mukha ko habang pinapanood ang pagpapaliwanag niya. He's scratching the back of his head. Dumapo ang paningin ko sa isang kamay niya.

He's holding a brown envelope. Nang mapansin ang tingin ko roon ay bahagya niya iyong tinago sa likuran niya.

"Uhm...work, sa bahay ko na tatapusin" ngiti niya.

He's acting weird and I'm not liking it.

Tumango nalamang ako at sumakay na kay Treck. "Tara na, naghihintay yung mga bata sa bahay" malamig kong saad.

"Yes, 005—Ah, este oo. Opo, eto na" natataranta niyang saad saka nagmamadaling lumapit sa kotse niya at sumakay.

I even heard him curse. Umiling nalang ako saka ibinaba ang salamin ng aking helmet.

I waited him for two fucking hours! Galing ako sa sarili kong trabaho. He told me na halos sabay lang din daw kami nang uwi, so dinaanan ko na siya. Sa unit ko kasi siya matutulog.

At pinaghintay niya ako ng dalawang oras sa labas ng hospital.

This fuckin—wala sa sariling napiga ko ang manibela. Panay ang mahihina kong pagmumura sa inis. Naiinis pa ako lalo, dahil I'm driving while being pre-occupied!

Natauhan lamang ako nang mapansin ko na nag oover-speeding na pala ako.

Fuck!

Nag slow down ako, lalo na at nasa mataong lugar pa pala kami. Andaming bata na tumatawid galing sa isang public school. Damn it, what the fuck is wrong with me?!

Siguro ay pagod lang. I don't know. I guess I need to rest. Matutulog ako pag-uwi.

NANG makarating kami sa unit ko, tahimik si Colton. Naninimbang at inaalam niya siguro kung babarilin ko ba siya kapag nagsalita siya at nakapagsabi nang alanganing bagay.

Sumalubong sa akin si Antonio kaya ginulo ko ang buhok nito. Nang makita niya si Colton ay ngumuso siya at hindi ito pinansin.

Christiano smiled at me, nagbabasa ito ng story book malapit sa bintana. Napangiti ako rito. Sobra niyang tahimik. Taliwas sa bibo na kapatid.

"Hey, I'm sorry pinaghintay kita pansinin mo na ako..." bulong ni Colton nang mag-isa nalang kami sa kusina.

It's been what? Almost two weeks. Almost two weeks na mula nang mapunta sa puder ko ang dalawang bata. Feeling ko bigla akong naging nanay kahit hindi pa ako nanganganak.

Nakakapagod, Oo. Pero masaya naman. Ewan ko kung bakit, pero medyo nasasayahan ako sa presensiya ng dalawang bata rito sa bahay.

Kaso lang...ang lalaking ito ang iniisip ko. Palagi akong nabubwisit sa kaniya nitong mga nakaraan.

After the meeting with Commander. He's been acting weird. May hula na ako kung ano. Pero naiinis pa rin ako dahil wala siyang sinasabi. He's planning something...on his own! Nararamdaman ko iyon.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon