Chapter 11

116 7 1
                                    


"ANONG PROBLEMA MO, HUH?"

Pagbaba niya ay ito agad ang tanong ko habang naka-pamewang sakaniya.

"I should be the one asking you that, Colton!" Tumaas na rin ang tono ng kaniyang boses.

"No. Listen here, River. Sa loob nang ilang taon ay wala akong ibang ginawa kundi mag-alala sa'yo at alagaan ka kapag may sakit ka. Patago pa akong tumatakas sa hospital minsan para lang silipin ka at kumustahin sa firm niyo"

"Tangina, Ilog. Pati paggagawa nang putanginang origami na 'yan inaral ko nang malaman kong gusto mo 'yon"

"Tumigil ako sa pagiging gago. Nagbago ako, tumino ako..."

Looking back at those times, hindi ko maiwasng isipin na higit sa lahat ay si River talaga ang siyang nakatulong sa akin.

"Pinag-igihan ko ang trabaho ko. Lahat 'yon at marami pang iba kasi gusto kong humarap sa'yo nang maayos. Kasi I want you to see the best of me. The things that you deserve and everything that you never asked for but really wished for, silently" nanghihina kong wika, sinusubukang ipaintindi sakaniya ang lahat.

"Kaya isinusumbat mo sa akin ngayon?" sarkastikong ngisi niya.

Halos mabilaukan ako sa sariling laway para lang pigilan ang emosyon ko na sumabog. Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay hinilamos ko nang sariling palad ang aking mukha.

Tangina naman...

"River, ang unfair mo...nasasaktan ako ngayon, hindi mo ba nararamdaman?" my eyes were bloodshot as I look at her.

Para akong kandilang natutunaw sa harap niya.

"Ikaw lang ba? Lahat naman tayo nasasaktan" balewalang sagot nito.

Sandali akong natigilan bago nakapagsalita.

"And I've been doing my best to atleast ease your pain. Pero ikaw, wala kang ibang ginawa kundi saktan ako,"

"Lahat nang kilos mo nakakasakit sa akin. Lahat ng salita na binibigkas mo at mga pinapakita mo sa akin, nakakasakit"

Pinigilan ko ang pagpiyok sa aking boses habang nagsasalita.

"River, try mo naman akong tulungan, oh. Pwede bang kahit minsan lang imbes na baril mo ang itutok mo sa akin...yakapin mo nalang ako?"

"River, ayoko na nang ganito. I feel like my sanity is about to betray me right now. Tama na, please..." makaawa ko sakaniya at pinasadahan ng palad ang aking ulo.

"Colton—"

"Putangina, ang hirap-hirap humingi ng yakap sa'yo!"

Sinapo ko ang sariling mukha at tumalikod sakaniya. I don't wanna hurt her in any way possible. Pero sa mga oras na ito ay gusto ko na talagang mamisikal.

Gusto ko siyang ingudngod sa sahig at ipaintindi sakaniya na hindi lang luha ang patunay na sobra nang nasasaktan ang isang tao.

Na minsan, sa sobrang sakit ay hindi na malaman nang isang tao kung anong gagawin niya. Kasi iyon ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako naiiyak. Hindi ako naiiyak pero nararamdaman ko kung paanong tila nawawasak ang puso ko sa sakit.

Habang nakatalikod ako ay naramdaman ko ang palad niya sa braso ko. Hinaplos niya iyon at maya-maya ay naramdaman ko ang pisngi niya na lumapat sa likod ko.

"I'm sorry..." dinig ko ang mahina niyang tinig.

And finally, I felt her arms wrapped around my body.

It felt so good. So warm and fucking right. As if the heaven finally answered all of my prayers.

But, I can't help but smile sadly as I look down on the ground.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon