“EXCUSE ME” saad ko nang makalapit.
Kakatapos lang namin tumugtog. Dumiretso na ako sa table nila. Hindi pinansin ang lalaking naka-akbay sa likod ng couch na inuupuan niya.
“Ginagawa mo rito?” tanong ko sakaniya.
“Who are you?” pang-eepal nung lalaki. Hindi naman kausap sumasabat.
“Kilala mo ba siya, Attorney?” malamig na tanong nito kay River.
“He’s someone I know” tugon ni River, mas malamig at mas walang emosyon.
Boring ng table nila sa totoo lang.
Halos magpantig ang parehong tenga ko. Someone you know, huh? I clenched my jaw and gave her a death glare. Ngunit tinaasan lang naman ako nito ng kilay.
“Pwede lumayo ka, pre? You’re ruining my birthday” sikmat ng lalaki at doon ko napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga kasama nila sa table.
Hindi makapaniwalang tumawa ako saka umatras. I gave River one last glance before I left the scene.
Those are probably her workmates. Ayoko siyang ipahiya dahil lang sa eksenang iyon.
Kaya mas pinili kong iwan na sila kahit pa gusto kong ibaon ang lalaking iyon 6ft under the ground kung saan naka pwesto ang kinauupuan niya.
“Tangina, what’s wrong with me?” inis na tanong ko sa sarili at pabalyang umupo sa couch namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ako. Ano bang pinuputok ng buchi ko?
“Colton—”
“Huwag niyo ‘kong kausapin.” Pigil ko sa kanila.
Tinaas naman nila ang mga kamay sabay sipol.
“I’m jealous of the way…you’re happy without me” kanta ni Daze.
Sinamaan ko siya ng tingin at marahas na tinungga ang bote ng alak na nasa harap ko.
“Inom lang katapat niyan at dasal mga bossing. Come on, let’s get wasted mga butihing Doktor!” Dice raised his drink at ganoon din naman ang ginawa namin bago nag cheers.
Inisang tingin ko pa muli ang table nila River. Naka-akbay na sakaniya ngayon iyong lalaki. Mariin akong napa-mura.
Matalim kong tiningnan ang braso na nakatanday sa balikat ni River at sa isip ay chinap-chop iyon bago tinapon sa kalsada para paulit-ulit na masagasaan ng mga dadaang sasakyan.
Birthday-birthday, kuno…gusto niyang last niya na yan?
“Hinding-hindi…hindi ko kayang umibig muli, habang buhay nalang kitang hihintay—Ouch!”
Napatigil ito sa pagkanta nang ibato ko sakaniya ang basyo ng alak. Sapul si gago.
“Tigilan mo na kasi. Nasasaktan na nga, eh” ani naman ni Damon, naka-ngisi sa akin.
“Wow, pinagtanggol mo pa ako. Salamat, ah” sarkastikong saad ko rito, nakasimangot.
“Welcome, Ilog—Colton. Colton. Sabi ko nga” aniya at tinutop ang labi.
Iyong kambal tuwang-tuwa pa. Bakit ko ba sila kaibigan?
MATINDING inuman ang naganap. Ang mga walanghiya kong kaibigan. Naroon na sa dance floor, nagsasayaw kasama ang mga babae nila. Pustahan uuwi ang mga ‘yan mamaya na may mga kasama.
Mga pokpok ‘yan, eh. Ayaw gumaya sa akin, mabait.
Napaigtad ako nang may biglang humalik sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...