PINAGMASDAN ko ang mga kilos ni River nang magkita kami sa headquarters, kinabukasan. Masama ang timpla nito. Malamang dahil sa sakit ng ulo. Madalas din ang paghilot niya sa sentido.“Okay ka lang?” tanong ko nang malapitan siya.
“Parang maghihiwalay ang ulo ko” sagot niya.
Napa-iling ako at lumapit sa cart ko ng ice cream. Pinag-scoop ko siya sa cone saka ako bumalik sa pwesto niya.
“Have some. It will lessen the pain” saad ko at inalok ang sorbetes sakaniya.
“Thanks. Bwisit yung nainom ko kagabi, lambanog yata ang lintik” aniya, nakasimangot.
I watched her with so much amusement in my eyes. Delikado na ako. Anong ginawa mo sa akin, Ilog?
Napansin ko nalang na sobrang lawak na pala nang pagkaka-ngiti ko habang pinapanood siya. Tumikhim ako atsaka umayos nang upo. I plastered my semi-serious expression again.
“Wait. I saw you there, too. Nakita mo ba kung sino naghatid sa akin?” pansin niya at taas kilay na nag-tanong.
Nag-aalinlangan pa siya sandali. Pero nagawa pa rin namang magtanong nito.
“Si Attorney yata naghatid sa akin. Pero nakakahiya. Birthday pa naman niya.” maya-maya ay sagot niya sa sarili.
Napa-maang ako. I swallowed the lump in my throat. Kasabay nito ay ang pagdilim ng aking mukha.
“Hoy, ang tahimik mo d’yan! Nag-stay pa ba kayo ng mga kaibigan mo hanggang midnight?” tanong niya saka ngumisi na tila nang-aasar.
Nanatiling walang buhay ang mga mata ko at hindi kababakasan ng kahit anong emosyon. I clicked my tongue sabay kagat sa lip piercing ko.
“Nambabae ka, no? You, playboy” tukso pa nito sa akin at akmang tutusukin ako sa bewang pero maagap na akong tumayo upang iwasan iyon na mangyari.
“Maaga akong umuwi kagabi. Hindi ako nambabae. Pero, oo. May inuwi akong babae kasi hindi na maka-lakad nang maayos. Pwede ba River, sa susunod ‘wag kang nag-iinom at nagpapahatid kung kani-kanino? Hindi mo naman sure kung mapagkakatiwalaan ba talaga ’yang pinagyayabang mong attorney!”
Sa sobrang bilis nang pananalita ko ay kinailangan ko pang habulin ang hininga ko nang matapos.
“Bwisit,” I cursed under my breath.
River didn’t utter a single word. Pinagmasdan niya lang ako hanggang sa umalis na ako at padabog na hinila ang cart ko upang bumalik sa aking trabaho.
“ANG INIT NANG PANAHON PARANG 'YUNG ULO KO!!!"
"BUMILI NA KAYONG ICE CREAM!!!”
Kung dati passionate ang pagkakasigaw ko sa mga paninda, ngayon iba. May halong gigil. Parang nagdadabog.
“AYAW NIYO BUMILI?! ITATAPON KO ‘TO!” sigaw ko.
Napa-pitlag ang mga dumadaan sa tabi ko. Yung iba natakot yata na baka nga itapon ko ang paninda, bumili tuloy.
“Isa lang?” tanong ko sa babaeng bumili.
Padabog kong ini-scoop ang ice cream mula sa container nito saka iyon nilagay sa cone.
“Opo” aniya, mahina ang boses.
“Tatlo na, para mabilis maubos ‘tong paninda ko” desisyon ko at binigay sakaniya ang tatlong ice cream na magkakaiba ang flavor.
Hindi niya malaman kung paano hahawakan ang mga ito, pero hinayaan ko lang siya kasi hindi ko naman na problema iyon.
“Kwarenta'y sinco” saad ko at pinunasan ang pawis na namuo sa aking noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/286481551-288-k319590.jpg)
BINABASA MO ANG
Dig My Grave
RomanceColton Venom Montecillo, the notorious playboy in town and River Gallardo, a goal-oriented, smart-ass student, were ex-lovers during college days. However, because of their job as an agent in a private and dangerous organization, the couple had to e...