Chapter 4

155 14 4
                                    


PEOPLE tend to come and go. Iyan ang sabi nila. Eh, bakit hindi pa rin naghihiwalay si River at ang boy toy niya na iyon?

Ilang buwan na ang lumipas. Halos anim na buwan na rin ang nakalipas mula nang makaligtas si Gab sa malakas na pagsabog.

Totoo ang himala.

Si Gab ang patunay. Ang kunat talaga nang lalaking iyon.

Anyways...

Ngayon ay narito po tayo sa harap ng law firm at pinagmamasdan ang dalawang nakasusulasok na mga nilalang habang sila ay naglalandian.

"Ilog!" tawag ko rito at nakatanggap naman ako nang isang masamang tingin mula rito.

Aba, galit pa!

Pinuntahan na nga, eh.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Nakatingin dim ang bugok na attorney niya sa akin.

So, what? Mas pogi ako.

Lamang ako sampung paligo diyan.

Sige lang, tumingin ka pa. Maghahalikan kayo ng baril ko, tamo.

"Ano bang kailangan mo?" kunot-noo na saad ni River nang makalapit ito sa akin.

"Pinapaabot ng former senior information agency natin, sa'yo nakapangalan" tamad na saad ko atsaka namulsa.

Napamulagat siya. "What the fuck? Dumiretso ka talaga rito para iabot 'to? Sana sa HQ nalang, mamaya" bulong niya, lumingon pa ito sandali sa paligid.

Ngumiwi ako at umiwas nang tingin. "Confidential 'yan, ingatan mo" saad ko saka tumalikod.

"Colt! Colton—fuck you!"

When and where?

Habang paalis ako ay gina-gaslight ko nalamang ang sarili ko. No, Colton...mali ka nang nakita, hindi sila sweet sa isa't-isa. You're just paranoid.

Charot.

Bakit, malay mo naman biglang magising si River at ma-realize niyang mas worth it ako, 'diba?

Ewan. Asawa nga naaagaw, eh.

Charot ulit.

Ayaw ko nang agaw-agaw. Gusto ko akin lang.

PAGBALIK ko sa hospital ay nilunod ko nalamang ang sarili ko sa pagtatrabaho. Marami pa akong pasyente na iintindihin at ooperahan, bahala sila maglandian.

Kahit maghalikan pa sila sa loob ng court.

Joke, 'wag naman.

Masakit yata masyado 'yon. Naiimagine ko palang naiiyak na ako.

THE following days passed by boringly. Bukod sa trabaho ko sa hospital at sa L'ombre ay wala na akong ibang pinagkaabalahan pa.

Naghihintay lang ako nang pagkakataon. Sana mag away sila, tapos icocomfort ko si River. Then maiinlove siya sa akin kasi makikita niya amg shining hard 6 pack abs ko.

"Huy!"

Napatalon ako sa gulat.

"Cap naman, eh!" sikmat ko rito at akmang susuntukin siya pero nasalo nito ang kamao ko.

Inakbayan niya ako. Mukhang good mood ito, ah. Himala. May dilig kaya?

Sanaol.

"Quit staring" pabiro ako nitong binato nang tuyong dahon na kanina pa pala niya hawak at pinaglalaruan.

Nasa amusement park kami ngayon. The sky is already dark and the stars were bright. Ang liwanag din ng buwan.

Parang iyong ngiti ni Ilog kanina. Nakaka-miss tuloy.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon