Epilogue

204 10 1
                                    

Third person's POV

MAKIKITA mula sa hindi kalayuan ang babaeng nakatayo sa harap ng isang gusali. Nasa BSN building ito kahit pa ang unipormeng suot at ID lace ay pang political science department. Matyaga itong naghihintay habang malamig at walang kaemo-emosyon ang mukha.

Maganda ang babae kaya naman ang ibang dumaraan ay napapatingin. Itim na curly ang buhok nito at hanggang bewang ang haba. Sobrang kinis ng mukha at may pagka morena ang kutis ng balat ng dalaga. Ang kilay ay palaging naka-kunot at ang mata ay may kapangyarihan na bihagin ang kahit sinong sumalungat dito.

She's the perfect representation of a filipina beauty. Ang labi niya ay bahagyang makakapal at mapula. Ang ngipin ay pantay-pantay at sobrang ganda. She seldom smile, but when she does...the world would surely stop for a bit to appreciate and cherish that rare moment.

"River!"

Bahagyang napa-talon ang babae nang marinig ang pamilyar na boses. Sa dulo ng hallway ay naroon ang lalaking hinihintay niya.

The guy has a wide smile on his red thin lips. The silver piercing on his lip reflect the brightness of his smile. A slit on his left brow can be seen. His silver earing can easily caught everyone's attention in an annoying way, but his dark brown and almost black eyes has the warmest emotion in them that you would find yourself melting and getting lost in the depths of it.

The man in all white uniform looks dashing as he walk swiftly towards his girl.

Nang tamaan ng araw ang mukha nito ay mas nag ningning ang gwapo nitong mukha. His messy hair danced with the wind as his eyes almost turned gold when the sunlight hits his face. Mas lumawak ang pag ngiti ng binata nang makalapit sa babaeng ilang minuto na ring naghihintay sakaniya.

"Did you wait long, mahal?" ngiti nito at inagaw ang bag ng babae.

Umiling lamang ang dalaga bilang sagot saka iniwas ang hawak na bag.

"Ako na, magaan lang naman" saad nito.

Pero hindi pumayag ang binata dahil inagaw niya pa rin iyon mula rito. Dumila ito upang mang-asar saka mabilis na dumukwang upang nakawan ng halik sa labi ang babae.

"Magnanakaw" irap sakaniya ng babae.

Colton laughed sexily because of River's reaction. They've been together for quite some time now. But her snobbish personality still got him all simping for her.

"Ganda-ganda naman, isa pa nga. Irapan mo pa ako dali...hindi ako magrereklamo, gusto mo ako pa mag sorry, eh" he urged and wrapped his arms around her waist.

His hand rests behind her back while his forehead leans forward to meet hers. Hindi inintindi ni Colton ang paligid. May iilan na ngang kinikilig sa mga dumadaan dahil sa paglalambingan nila sa gilid ng hallway.

"Magtigil ka, tara na nga" wika ng babae.

"Ang daming naka-tingin" dagdag pa nito,  tinulak pa ang noo ni Colton na nakadikit din sa kaniyang noo.

"Let them watch, mahal...inggit lang sila" ngisi ng binata at binasa ang sariling labi bago hinawi nang mahahabang daliri ang buhok na humaharang sa sariling mata.

"PDA enjoyer ka, ayoko na sa'yo" simangot ni River at tumalikod.

Tumawa naman ang lalaki saka sumunod dito. The man clicked his tongue before speaking confidently.

"We both know that you don't mean it, Ilog" anito at pinatong pa ang palad sa ulo ni River nang maabutan niya ito sa paglalakad.

"Ay, hindi ka sure...Malay mo nagsawa na ako sa'yo" tawa ng babae pero isang matalim na tingin lamang galing kay Colton ang natanggap niya.

Dig My GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon