Chapter 3

52 7 0
                                    

Ang bilis ng araw, moving up na namin ngayon. Excited ako pero nandiyan pa rin ang kabang nararamdaman.

Nagchat muna ako kay Riel bago mag-ayos. Gusto ko kasi siyang i-update sa mga ginagawa ko, para alam niya.

Hi baby good morning, maliligo na ako para mamaya. Sana nandito ka para mapanood mo ako :(

Sayang nga lang, hindi nya makikita kapag umakyat ako sa stage pero okay lang yun may next time pa naman moving up palang naman eh, may graduation pa.

Halos isang oras akong nasa loob ng CR, dapat malinis akong tignan dahil special na araw ito para sakin.

Ilang oras din ang tinagal bago kami makapunta sa school dahil inayusan pa ako.

Sakto lang ang dating namin dahil magsisimula palang ang ceremony. Kaagad akong pumunta sa pwesto ko.

“Good afternoon ladies and gentlemen, nandito tayo lahat upang tunghayan—...”

Hindi ko na naintindihan ang sinabi ng emcee, ang dami pa kasi niyang sinasabi.

Nagbigay ng speech ang principal at ang DepEd secretary.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang pagtawag sa mga estudyante..

“G-10 Amethyst...”

Napaayos ako ng upo ng marinig ang section ni Nicx at Michelle. Ang daya nga eh mag classmate silang dalawa.

Pumila na ang section nila, nakita ko naman kaagad silang dalawa dahil magkasunod lang ang apelyido nila.

Tumingin sila sa direksyon ko at nag thumbs up ako sa kanila.

Alferas, Nhicole P.” Pumalakpak kami habang naakyat sya sa stage kasama ang mama niya, “With honors..”

Sinabit sakanya ng mama nya yung medal at bumaba na sila.

Barlowe, Michelle C.... With honors.” Pumalakpak ako ulit. Kasama rin niya ang mama niya, sinabit rin ng mama nya yung medal sa kanya bago sila bumaba. Natawa ako dahil halatang naiiyak na si Michelle.

Deserve naman nila eh, actually minsan hindi na sila natutulog para lang mag sagot ng mga activity.

Panganay kasi si Nicx, minsan sakanya pinapasagutan yung mga activity ng kapatid nya at nagbabantay siya ng tindahan nila, si Michelle naman nagbabantay ng tindahan nila habang nagsasagot ng activity minsan pinapasagutan rin sa kanya yung mga activity ng pamangkin nya.

“G-10 Calcite....”

Kaagad akong tumayo ng tawagin na ang section namin. Hinanap kaagad ng mata ko si Nanay, nabaling ang tingin ko sa isang lalaki sa hindi kalayuan hindi ko makita ng maayos ang itsura nya pero familiar ang postura nya sakin.

Lalapitan ko sana ito ng biglang may humawak sa braso ko...

“Nay!” Saad ko ng makita kung sino ang humawak sakin.

“Sinong tinitignan mo dyan? Tara na malapit ka ng tawagin.” Tumango ako bilang sagot at sinulyapan saglit kung saan nakapwesto yung lalaki kanina ngunit wala na sya dun.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng lungkot... Feeling ko ay malapit siya sakin.

Villariel, Maria Clarity O.” Nakangiti kaming umakyat sa stage ni Nanay ng tawagin ang pangalan ko... “With honors.”

Nakipagkamay kami at inabot kay Nanay ang medal upang sya ang maglagay nito sakin.

Nakatitig lamang ako kay Nanay habang nilalagay nya yung medal gusto kong sabihin sakanya na, Nay para sayo lahat ng 'to ngunit mas pinili ko nalang na hindi dahil hindi ako open sa kanila sa nararamdaman ko at nahihiya akong magsabi.

Masaya ang lahat ng matapos ang ceremony. Kaagad lumapit sakin sila Nicx at Michelle.

“CONGRATS, SENIOR HIGH NA TAYO!” Sigaw ni Nicx.

“Congrats satin!”

“Congrats!” Saad naman ni Michelle.

“Tara picture tayo!” Yaya ko sa kanila.

Nag picture kami saglit at umuwi na rin. May onti kasing handa samin, hindi ko na naimbitahan sila Nicx at Michelle dahil meron rin sa kanila.

Riel

Baby congrats, proud na proud ako sayo.

Napangiti ako ng mabasa ang chat ni Riel.

Thank you, proud rin ako sayo!

Mas matanda sakin si Riel ng dalawang taon. 16 na ako at mag-18 na sya sa October.

Reil

[Riel send a photo]

Kaagad kong sineen ang chat niya at napatawa ng makita ang mukha nya. Ang epic ng mukha nya dun tapos kita rin yung double chin nya.

Ang taba mo HAHAHAHAHA

Riel

Aba, baka kapag pinakita ko sayo 'tong abs ko.

Weh? Baka ab.

Riel

Nako, wag mo akong kukulbitin kapag madaling araw na ah!

Natawa ako dahil sa sagot nya.

Sus baka ikaw nga dyan eh, basta tatlong anak lang.

Riel

Anong tatlo? Pito nga!

Lalo akong natawa, lagi ko kasi syang iniinis tungkol dito gusto nya kasi ng malaking pamilya.

“Anong nginingiti mo dyan?” Nawala ang ngiti ko ng marinig ko si Tatay.

Hindi pa kasi kami legal, hindi pa nga kami nag me-meet up eh. Hindi ko pa rin alam ang buo nyang pangalan, ang alam ko lang ay Blue Andrew pero hindi ko alam ang apelyido.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now