Chapter 25

17 5 0
                                    

Nakailang buntong hininga ako at tinignan ang malaking building sa harap ko. Kaya mo 'yan, Clarity, pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko. First day ko ngayon sa work.

Ang alam ko ay training muna bago kami bigyan ng mga gagawin. Siguro naman ay kakayanin ko 'yon. Ngumiti muna ako bago pumasok sa loob.

"Good morning, Ma'am." Bati ni Kuyang Guard.

"Good morning rin po." Bati ko pabalik at nginitian siya.

"Balita ko nandito raw si Engineer Ajero."

Nakarinig naman ako ng ilang bulong bulungan.

"Ay, oo. Siya yung engineer nitong company natin diba." Tila kinikilig na sabi pa nung isa.

Balita ko kasi ay lalakihan pa ang company namin, pinapaayos ito ngayon.

"Hoy akin si Engr." Saad naman nung isa at bahagyang sinabunutan ang kasama niya.

"Echoserang palaka. Sa akin siya."

Bago pa sila mag-away ay dumating na ang Senior namin. "Magtigil kayong dalawa sa akin siya." Halos matampal ko ang noo ko, akala ko naman ay sasawayin niya 'yong dalawa 'yon pala ay makikisali rin siya.

Natigil din naman sila dahil may announcement, may general meeting kami. Pumunta muna ako saglit sa pwesto ko at inilagay do'n ang bag ko. Kinuha ko ang mga kailangan ko at pumunta na sa meeting place.

7:30 pa naman ang meeting but it's already 7:10 na kaya dumiretso na ako do'n. Ayokong malate unang meeting ko 'to.

Nang makarating ako do'n ay may iilan ng nandito. Umupo naman ako banda sa likuran dahil do'n ang seat namin.

Ilang sandali pa ay dumating na ang manager, nag discuss lang siya sandali at pinakilala samin ang mga Senior. Si Ate Ley lang ang kilala ko dahil siya ang Senior namin.

"Ipapakilala ko rin pala ang si Engr. Ajero." Aniya. May binulong naman sa kanya ang Assistant niya.

Tumikhim siya sandali bago magsalita. "Since Engr. Ajero-...." Kaagad naputol ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang pintuan. Natuon naman ang atensyon namin do'n.

"Sorry, we're late." Aniya sa malamig na boses.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Nanlamig ang katawan ko ng makita ang mukha. S....siya, siya yung lalaking nasa picture, siya yung pinsan ni Athena. Siya yung inakala kong si Riel.

Napatingin naman siya sa direksyon ko at tila nagulat pa, marahil ay hindi niya inaasahan na nandito ako. Ang mga asul niyang mata, paano ko makakalimutan ang mga matang iyon? Tinitignan ko palang ito ay para na akong nalulunod.

"Ms. Villariel." Kaagad akong napabalik sa wisyo ng marinig ang boses ng Senior namin. Kanina pa tapos ang meeting ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang lalaking iyon.

"Yes po?" Saad ko at lumapit kay Ate Ley.

"Magtimpla ka ng kape.." Tumango naman ako at akmang aalis na ng magsalita siyang mula. "Ibigay mo do'n kala Engr. Ajero."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Po?" Tinaasan niya naman ako ng kilay.. "Ah, sige po. Opo."

"Isama mo si Zia, kasama nga pala ni Engineer ang Engr. Assistant niya." Dagdag pa niya.

"Okay po." Saad ko at tinawag si Zia.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now