Chapter 20

19 5 3
                                    

"Clarity, bilis bilisan mo ang kilos ikaw nalang ang hinintay." Rinig kong sigaw ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, malapit na matapos."

Pinagpatuloy ko naman ang paghahanap ng libro ko. Nasaan ba 'yon? dito ko lang 'yon nilagay, e.

Ayun. Sa wakas nahanap ko rin.

"Clarity, anong oras na jusko. Aabutin tayo ng siyam siyam sa traffic."

"Eto na po palabas na."

Agad ko namang nilagay sa bag ang mga gamit ko at lumabas na.

Pupunta kami ngayon sa bahay ni Kuya Kian sa Las Piñas. Ewan ko ba sa lahat ng lugar sa Las Piñas nya pa napili magpatayo ng bahay.

Panigurado do'n ako patutulugin ni Julyien. nakababatang kapatid ni Kuya Kian. Mas matanda lang ako do'n ng dalawang taon. Kasing edad nya si Jewel.

Balak ko sanang magbasa habang nasa byahe ngunit alam kong hindi na mangyayari 'yon dahil katabi ko ngayon si Jewel. Kasama namin sya papunta sa Las Piñas.

Simula kasi nung nag college ako hindi na ako nakakapunta sa kanila Kuya Kian. Si Jewel ang pumapalit sa akin kapag gusto nila akong papuntahin do'n kaya naging close na sila ni Julyien.

"Miss ko na talaga si Julyien." Saad ni Jewel na nasa tabi ko.

"Isang linggo lang kayong hindi nagkita." Giit ko naman.

"Kahit na miss ko pa rin sya."

"Wew."

Hindi kasi ako clingy na tao. Bahala na sila, malalaki na sila. Naglagay naman ako ng earphone sa tenga.

Inagaw ni Jewel ang isa at nilagay sa tenga nya. Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari at nakatulog na.

Pagkagising ko ay ako nalang ang mag-isa sa kotse. Ang sasama talaga ng ugali, parang hindi pamilya. Hindi man lang ako ginising. Amp.

Lalabas na sana ako sa kotse ng mapansin na mayroon din ibang tao. Baka kaibigan ni Kuya Kian. Hindi ko naman ito pinansin at pumasok na sa loob.

"Oh, buti naman nagising ka na." Agad na bungad sa akin ni Nanay.

Nakasimangot naman akong humarap kay Jewel. "Bakit hindi mo ako ginising?"

Tumawa naman sya at hindi na ako sinagot. Nagchichismisan kasi sila ni Julyien. Tsk.

"Kuya Kiannnn." Tawag ko at pumunta sa kusina.

Natigilan naman ang mga tao sa kusina ng makita ako. Nakakahiya. Nandito pala ang mga kaibigan ni Kuya Kian.

"Oh guys, eto na pala yung hinihintay nyo, e. Clarity halika rito." Saad ni Kuya Kian at pinalapit ako sa kanya.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa tabi nya. Doon ko lang rin napansin na apat silang nandito.

Nagulat ako ng makilala kung sino ang dalawang nandito, si Athena at Braim. Nag-iwas naman ng tingin sa akin si Athena habang si Braim at prenteng nakaupo lang. Kapal ng mukha.

"Btw, this is Laurence." Saad ni Kuya Kian at tinuro yung lalaki sa tabi ni Braim. "At ito si Ibraim at A-Athena."

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Actually lima kami. Hindi pa nadating yung isa." Tumango nalang ako ulit.

Magsasalita pa sana si Kuya Kian ng biglang may pumasok sa kusina. Nakasuot sya ng sunglasses, cap at face mask kaya hindi ko makita ang mukha nya.

"Oh, eto na pala." Saad ni Kuya Kian at bumaling sa kararating lang. "Ayan naman si Bruce." Pakilala nya rito at tumawa.

"Kuya Kian, artista po ba 'yang kaibigan nyo?" Bulong kong tanong kay Kuya Kian. Takip na takip kasi ang mukha, e.

Natawa naman si Kuya Kian bago sumagot, "Oo, sikat 'yan. Actually hinahanap nga sya ng mga pulis ngayon." He answered and laugh again.

"Tarantado." Rinig kong bulong ni Bruce na mas nagpalakas ng tawa ni Kuya Kian pati si Braim ay tumatawa na rin.

Natigilan naman ako sa lamig ng boses nya. Kaagad din akong napatayo sa upuan ko, para sa kanya ata ang upuan na 'to.

"A-ah sige na Kuya Kian, pupunta na muna ako sa guest room. Inaantok pa ako, e." Bwiset bakit ba ako kinabahan.

"Ha? Kakagising mo lang ah?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. "Sige na Kuya Kian. Mamaya na lang ulit." Bumaling naman ako sa direksyon ni Athena at Braim. "Masaya po akong makilala kayo." Saad ko at mabilis na naglakad palabas.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit hindi naka sunglasses sya ay ramdam na ramdam ko ang titig nya.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now