Pumunta muna ako sa isang park bago umuwi napatingin ako sa kamay kong may hawak na isang asul na panyo. Habang pauwi ako ay nakita si Jewel. Lagi nalang syang sumusulpot kung saan may lahi ba 'tong kabute.
“Anong nangyari sa mata mo?” Tanong nito kaya nag-iwas ng tingin.
“Ah wala.. A-ano napuwing lang ang dami kasing sasakyan na dumaan e.” Pagdadahilan ko dito.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nya ngunit mas pinili nya nalang ang hindi magtanong.
“Ria ang boring, ano bang pwedeng gawin?” Bagot na bagot na reklamo ni Jewel. Andito kami ngayon sa kwarto ko, dito kasi kami agad dumiretso pagkauwi namin.
“Mag rpw ka.”
“Ha? Rpw? Ano naman yun?” Napabuntong hininga naman ako at ipinaliwanag sa kanya kung ano yun.
“Role play world o ang tinatawag nilang pekeng mundo. Bawal mong sabihin ang totoong identity mo pero ngayon marami ng lumalabag sa golden rule na 'yon.”
“Tara gawa tayo role play account.” Saad nito.
Sandali akong napatitig sa kanya, iniisip kung papayag ako o hindi. Bahala na wala namang mawawala kung susubukan ko diba.
Nag-isip ako kung anong gagamitin kong pangalan.
Ria Astrid Achilles. Sounds good. Ria for my name Maria and Astrid para sa unang babaeng bida sa gawa kong kwento. Achilles naman dahil ito ang gamit dati ng mga kaibigan ko ng pumasok sila sa role play world.
“Anong apelyido nilagay mo?” Tanong ni Jewel. Nabaling ang tingin ko sa kanya bago sumagot.
“Achilles.”
“Pwede bang yan din ang gamitin ko? Para same tayo hehe.”
Tumango ako sa kanya bilang sagot.
“Anong name mo sa role play world? Dali a-add kita.” Tanong ko sa kanya habang ang tingin ay nasa cellphone pa rin.
“Sarah Achilles.”
Hinanap ko ang account nya at in-add ito.
“Hoy Ria bukas nalang, andyan na kasi si Tito Aries sinusundo na ako.” Tumango ako sa kanya at nagpaalam.
Napabuntong hininga ako. Naiwan na naman ako. Napatingin ako sa cellphone ko ng may mag notif dito.
Beau Adriel Andrews sent you a friend request.
Nagdalawang-isip pa ako kung i-aaccept ko ito ngunit sa huli ay ni accept ko rin.
Nangako ako sa sarili ko na magpopost lang ako ng mga story ko dito sa role play world, yun lang at wala ng iba pa.
Napakunot ang noo ko ng sunod-sunod na notification ang natanggap ko.
Beau Adriel Andrews reacted on your post.
Beau Adriel Andrews commented on your post.
Stalker ba ang lalaking 'to? Hindi ko nalang yun pinansin at binaling nalang ang atensyon sa pagpo-post ng story.
Ilang minuto lang pagkatapos kong i-post ang story ay nakatanggap na naman ako ng notification.
Beau Adriel Andrews reacted on your post
Napatigil ako ng makita ito. Sya ang ka una unahang nag react sa mga gawa kong story.
Napangiti ako dahil kahit papaano ay may naka appreciate ng gawa ko.
Hindi ko alam ngunit bigla nalang gumalaw ang kamay ko at pinindot ang pangalan nya dahilan upang mapunta ako sa wall nya.
Sandali ko pang pinag-isipan kung itutuloy ko ba ang pag stalk sa kanya o hindi. Napabuntong hiningi ako at tinuloy ang pag stalk. Nakailang scroll palang ako ng makita ko ang post na...
Beau Adriel Andrews is in relationship with....
Hindi ko na binasa ang pangalan ng babae at agad itong binack. Napailing nalang ako sa sarili ko.
Ano ba 'tong ginagawa ko?
Ilang sandali pa ang lumipas ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, senyales na may nagchat sakin.
Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan na hindi ko inaasahan.
Beau Adriel Andrews
Nakahanap ka na ng baby?
Anong pinagsasabi nito? Doon lamang pumasok sa isip ko na nag shared post nga pala ako tungkol sa paghahanap ng boyfriend ngunit hindi ko naman inaasahan na seseryosohin nya yun at alam ko sa sarili ko na hindi pa ready pumasok sa isang relasyon.
Nagreply ako sa kanya at sunod sunod na ang naging chat namin.
Hindi ko namalayan na umabot ng dalawang oras ang pag-uusap namin.
Beau Adriel Andrews: So bakit ka pumasok dito sa pekeng mundo na 'to?
Ria Astrid Achilles: Pinilit ako ng pinsan ko e. Siguro eto na rin 'yung opportunity ko para magpost ng mga sinulat kong story.
Beau Adriel Andrews: Ang galing mo nga gumawa eh!
Natigilan ng makita ang reply, hindi ko alam ngunit may iba akong nararamdaman.
Napailing kaagad ako sa naiisip ko, tumigil ka kabag lang yan.
Sa ilang oras naming pag-uusap ay na kwento ko sa kanya ang nangyari samin ng ex boyfriend ko na si Karm. Natawa pa nga ako sa kanya dahil nag send pa sya ng maraming sticker na ice cream at huwag na raw aking umiyak.
Beau Adriel Andrews: Hayaan mo sa susunod totoong ice cream na ang ibibigay ko sayo.
Napangiti ako dahil dun. Simula ng araw na 'yon ay naging mag kaibigan na kaming dalawa.

YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romansa"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022