Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi, nagising nalang ako dito sa guest room. Siguro dinala ako kagabi dito ni Kuya Kian, nakatulog ata ako sa balikat niya.
Tumingin naman ako sa sarili, parang zombie na naman ang mukha ko. Maga na naman ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi, kung bakit bigla ko nalang binanggit ang pangalan ni Riel.
Mabuti't wala si Athena kagabi, baka lalong magkagulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko matapos kong makausap si Braim. Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo.
"Kahit kailan paepal talaga ang Braim na 'yon." Sabi ko na, dapat hindi ko muna sinabi kala Nicx ang nangyari kagabi. Ka-vc ko sila ngayon, hindi naman kami pwedeng magkita dahil nasa Cavite sila at nasa Las Piñas ako. Atsaka may pasok pa sila mamaya.
"Hayaan mo na Nicx, malay mo naman concern lang siya kay Clarity."
"Sus, ayan ka na naman, Michelle. Ganyan din sinabi mo nung nakausap niya si Athena pero tignan mo, niloko lang rin siya." Naiinis na wika ni Nicx.
"Hindi naman natin alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo."
"Ayos ka na ba Nicx?" Pag-iiba ko ng usapan, baka mag-away pa silang dalawa.
"Ha? Saan naman?" Nagtatakang wika niya.
"Masakit tiyan mo diba?"
"Ah, 'yon ba?" Tumawa naman siya, "Panis na pala 'yong kanin namin, kumain kasi ako bago pumunta sainyo."
Nasa hagdan palang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ni Athena at Braim. Kaagad ko namang nilagay ang earphone ko, ayoko silang marinig.
Dumaan ako sa sala at ramdam ko ang tingin sila sa akin, hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso na sa kusina. Mas uunahin ko ang gutom ko sa kesa sa hiya ko.
"Zia, kayo muna ni Lyn ang magdala ng kape kala Engr. Ajero, ako nalang ang mag-aasikaso do'n sa bago." Tumango naman sila, alam kong hindi aangal si Lyn, may gusto siga kay Engr. Ajero. Gusto ko silang iwasan hanggang sa makakaya ko.
"Good Mor-..." Naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang bagong katrabaho namin.
"K...Kram." Napahigpit ang hawak ko sa papel na hawak ko. Simula noong nag-break kami ay ngayon ko na lamang siya ulit nakita.
"Good Morning, Clarity." Nakangiting bati niya sa akin. "Long time no see, kamusta ka na?"
"A...Ayos naman." Pinilit kong hindi mautal, baka kung ano pa ang isipin niya. Pinaliwanag ko naman sa kanya lahat ng gagawin at itinuro ko ang pwesto niya.
"Si Ate Ley ang Senior natin, do'n siya nakaupo." Saad ko at tinuro pa ang pwesto ni Ate Ley.
"Salamat," Tumango naman ako at akmang aalis na ng tawagin niya ako. "C...Clarity, sorry." Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Kalimutan mo na 'yon, kinalimutan na rin naman kita." Nagulat naman siya dahil sa naging sagot ko. Ngumiti ako sa kanya ng bahagya, "Una na ako, marami pa akong gagawin."
Napalingon naman ako sa may pwesto kung nasaan ang mga engineer, gano'n na lamang ang gulat ko ng makitang seryosong nakatingin sa akin si Bruce, hindi ko na lamang ito pinansin at tumuloy na pwesto ko. Kailangan kong mag focus.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022