Chapter 2

62 6 0
                                    

Riel

Baby okay ka lang? Nakaopen ako sa rp. May ginagawa ka ba? Take your time antayin kita. I love you.

Kaagad akong nag-open sa role play account ko ng maka received ako ng text mula kay Riel.

Kung nagtataka kayo, oo alam ni Riel ang real account ko at real name ko pero hindi ko alam ang sakanya, sabi nya nag delete daw sya ng real account. Sa role play world kami  naguusap dahil yon ang nakasanayan namin at dun kami nagsimula at nagkakilala.

Sandali akong type upang magchat sa kanya..

Hi iloveyoutoo, hindi nako nagreply sa text mo kaya dito nalang.

Riel

Okay lang. Okay ka lang ba?

Oo, nakatulog lang ako kanina kaya hindi ako nakapag open kaagad.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya yung nangyari kanina. Bahala na nga.

Riel

Hmm? May nangyari ba?

Napabuntong hininga ako ng mabasa ang reply nya. Kaya wala akong maitatago sakanya dahil kilalang kilala nya na ako e.

Kasi kanina habang pauwi ako, parang may nakatingin sakin pero nung tinignan ko wala naman. Buti nga dumating si Jewel kasi kinakabahan na talaga ako.

Riel

Baka guni-guni mo lang 'yon mahal. Baka gutom lang 'yan or pagod. Pero lagi kang mag-iingat ah.

Baka nga hays ewan ko. Hindi naman big deal sakin 'yon pero natatakot pa rin ako.

Btw, I'm Ria Astrid Andrews in role play world and he's Beau Adriel Andrews. Achilles dati yung apelyido ko sa role play world pinalitan ko lang ng Andrews kasi gusto ko parehas kami para mukhang mag-asawa.

Nasanay na rin ako na tinatawag nila akong Ria, actually sa Maria naman galing yun, so parang real name ko na rin.

Okay back to reality na tayo.. Nagtipa naman ako nang irereply sakanya.

Oo nga papahinga nalang siguro muna ako.

Riel

Basta kapag need mo ng tulong magsabi ka lang.

Napangiti naman ako sa reply nya. Ang swerte swerte ko talaga sa lalaking 'to.

Maaga akong natulog dahil may pasok na naman kami kinabukasan.

“Nicx sa tingin mo magkano kaya aabutin kapag nag self publish ako?” I asked Nhicole.

“Hindi ko rin alam. Ilang copy ba?”

“Dalawa.”

Balak ko kasing mag self publish, yung story namin ni Riel pero hindi pa naman tapos, nagpaplano palang ako, balak ko kasing iregalo sa kanya yun sa anniversary namin.

“Huh? Bakit dalawa lang?” Nagtatakang tanong niya sakin.

“Para kaming dalawa lang ni Riel yung may copy. For us only hehe.” Kinikilig na turan ko.

Actually malayo pa naman ang anniversary namin.  Gusto ko lang talagang paghandaan, feel ko sya na talaga eh.

“Ay shala ah. Tara bili tayo pagkain.” Kaagad akong umiling na ikinakunot ng noo nya.. “Huh? Ayaw mo bakit?”

“Ayoko, diet ako eh.” I joked.

“La, ano nga? Diet ka dyan ang payat
payat mo nga.” Seryosong saad niya.

“Joke lang, nag-iipon ako malapit na kasi birthday ni Riel.”

“Kailan ba birthday nya?”

“October.”

“Jusko! April pa lang ngayon.” Giit nya at nagpamewang pa.

“Kahit na, gusto ko kasi makaipon ng 500 to 1000?” Hindi siguradong sagot ko.

“Anong na namang pinag-aawayan nyong dalawa dyan aber?” Sabay kaming napatingin ni Nicx kay Michelle.

Himala, ngayon ko lang nakita ang isang 'to.

“Saang planeta ka galing girl? Nung nakaraan kapa missing ah!”

“Baka nag date sila ni ano..” Pang-aasar ni Nicx kay Michelle.

“Anong date ka dyan? Hindi nga ako gusto nun eh.” Sagot ni Michelle at napakamot pa ng ulo.

“Ayun, broccoli naman pala si Ate nyo Michelle.” Saad ni Nicx.

“Wow ikaw nga dyan ni ghost.” Sagot ni Michelle.

“Anong gi-nhost? Hindi nya ako gi-nhost nagpaalam kaya sya sakin!”

“Sus wala lang kayong label e.”

“Ikaw nga hindi gusto.”

Hays, sabi ko na magaasaran nanaman 'tong dalawa e.

“Oh tama na, parehas lang kayong hindi gusto.” Sabat ko sa kanila.

“Wow, edi ikaw na may boyfriend.” Sabay nilang sagot sakin. Napailing nalang ako.

“Pala, malapit na moving up ah? Anong kukunin nyong strand?” Michelle asked.

“Abm.”  Sagot ko at tinanong silang dalawa.. “Kayo ba?”

“Stem ako e, ikaw ba Michelle?” Sagot ni Nicx.

“Stem rin.”

“Naks, future nurse yarn?” Pang-aasar ko sa kanila.

“Oo, uutang nga kami sayo eh diba future accountant ka.” Saad ni Nicx.

“Sayo nga ako uutang, balita ko mag-aasawa ka raw ng Americano!” I tease her.

“Si Lola kasi eh!” Reklamo ni Nicx.

“Buti nalang kami ni Clarity, Pilipino ang gusto. #MahalinAngSarilingAtin.” Sabay-sabay kaming tumawa dahil sa tinuran ni Michelle.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now