"Kuya Kian.." Tawag ko ng makapasok ako sa bahay niya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni Nanay ay napagpasyahan kong pumuntang Las Piñas. Buo na ang desisyon ko, gusto kong makausap si Bruce.
"Kuya Kian!"
"Ate Clarity!" Nakangiting si Julyien ang sumalubong sa akin.
"Si Kuya Kian?"
"Ay, Ate. Wala si Kuya dito eh. Mamayang gabi pa ang uwi no'n."
"Pumupunta pa ba ang nga kaibigan niya rito?"
"Minsan nalang, busy din kasi sila Kuya Braim sa trabaho pero si Ate Athena ang alam nami'y umalis na ng bansa." Pagpapaliwanag niya.
"Uhm- si Bruce?"
"Napunta rin siya rito, kasama niya madalas si Kuya Laurence pero laging tahimik 'yon, Ate. Nakikita ko rin silang laging nag-iinom."
"Saan ba nakatira si B...Bruce?" Nahihiyang tanong ko.
"Diyan lang sa kabila, Ate. Yung kulay blue na bahay." Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Nakitulog siya dito dati tapos sa kabila lang pala ang bahay niya.
"Ah, gano'n ba. Salamat, Julyien."
"Luluto muna ako, Ate. Pahinga ka na muna sa guest room. Walang gumamit no'n simula no'ng umalis ka."
Umakyat naman ako sa taas at pumunta sa guest room. Walang nagbago ganoon pa rin, nandito pa rin ang mga naiwang gamit ko. Malinis din ang kwarto, humiga naman kaagad ako sa kama.
Nakakamiss, ang lambot talaga ng kama dito. Yumakap naman ako sa unan sa tabi ko habang nakapikit. Ang bango ng unan at hindi gaanong malambot, parang teddy bear.
Napamulat ako bigla dahil do'n, wala akong teddy bear.
Muntik na akong mahulog sa kama nang makita kung sino ang nayakap ko.
"What the- Bruce!" Inalog ko pa siya para magising... "Bruce, huy. Bakit nandito ka?"
Hindi pa rin siya nagigising. Tulog mantika ang isang 'to. Paano naman kaya nakapasok dito ang isang 'to at isa pa may sarili naman siyang kwarto dito sa bahay ni Kuya Kian.
"Argh. I miss you, Maria." Ganoon na lamang ang gulat ko ng hilahin niya ako pahiga at yakapin.
Nanatili siyang nakapikit, gising ba ang isang 'to?
Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya ng mas lalong niya itong higpitan. Naaamoy ko ang alak na nanggagaling sa kanya, tanghali palang ngayon bakit lasing na kaagad ang isang 'to.
"Bruce, bitaw. Lasing ka lang." Madiing wika ko. Mukhang hindi niya naman ako naiintindihan mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa 'kin.
"Spy ba ako no'ng past life ko? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?" Reklamo ko ay tumingin pa sa kisame.
Halos hindi ako makahinga ng sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa balat ko, tumataas ang balahibo ko dahil do'n.
"I miss you." Bulong niya pang muli bago ako makarinig ng hilik. What the, nanaginip lang ata ang isang 'to.
Napatitig naman ako maamo niyang mukha, masungit siyang tignan sa una pero kapag nakilala mo'y mabait naman siya, tipid nga lang magsalita.
Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa kilay niya, sobrang na attract ako sa kilay niya kahit sa picture ko lang 'to unang nakita, ang kapal kasi no'n, dahil sa kilay niya kaya siya nag mumukhang masungit.
Kaagad kong inalis ang kamay ko ng bahagya siyang gumalaw. Akala ko gising na siya, umayos lang pala siya ng pwesto at mas lalong siniksik ang sarili sa 'kin.
Paano ako aalis ngayon dito? Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok, hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari nakatulog ako ng gano'n ang pwesto namin.

YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022