"Kung ayaw mong pakasalan si Rimaika, lumayas ka na dito. At tigilan mo na ang pinsan ni Kian, kung hindi mo titigilan yan ay ako mismo ang kakausap diyan."
Tumatak ang sinabing iyon ni Mama sa isip ko.
August 18, 20xx. I already made a decision. Alam ko ang ugali ni Mama, gagawin niya talaga ang sinabi niya.
Tinawagan ko kaagad si Athena nang magpaalam si Maria na matutulog siya. Naka call kami habang natutulog siya. Sanay na siya na hindi ako nagsasalita sa call, kagaya ng sinabi ko ayokong malaman niya na ako ang kausap niya. Malaking gulo yon at tiyak na magagalit si Kian.
Madaling araw na nakapunta sa bahay namin si Athena.
August 19, 20xx.
Sinadya kong hindi i-mute ang mic para marinig ni Maria. Napagdesisyunan namin ni Athena na kunwari ay may girlfriend talaga ako sa real world.
"Makakahanap ka rin ng babaeng katapat mo." Tila galit at madiing wika niya.
Narinig ko kaagad ang mahihinang pag-iyak ni Maria, hindi niya na mute ang mic niya. Nag-alalang tumingin ako kay Athena, umiling lang siya sa 'kin.
Ilang sandali pa'y pinatay na ni Maria ang tawag.
Trid: Narinig ko.
Nagkunwari akong walang alam no'ng una.
Trid: Babae ka, babae ka, Riel.
Kumunot ang noo ko, inakala niyang ako si Athena. Kaya't sinabi ko nalang na naggawa ako ng kwento at binabasa ko 'yon. Mas okay na 'yon, hindi siya gaanong masasaktan.
:Paano ko sasabihin sayo eh ang saya saya mo.
Paano ko nga ba sasabihin? Ayokong mawala ang ngiti sa mga labi niya.
:Araw-araw kong ipinagdarasal na sana totoo nalang si Riel.
Gusto kong sabihin na totoo ako pero mas masasaktan ko lang siya kapag pinagpatuloy ko 'to. Ikakasal na ako sa iba at hindi ko alam kung paano ko pipigilan 'yon. Walang makakapigil sa desisyon ni Mama.
"Sorry, Maria. Mahal kita, mahal na mahal." Bulong ko at tumingin sa buwan. Naaalala ko siya sa tuwing tumitingin ako sa buwan, napakaganda ngunit napakahirap abutin.
Isang buwan akong hindi lumabas ng kwarto matapos ang nangyaring 'yon. Nakapag desisyon na ako, ayoko talagang magpakasal sa iba. Lumayas ako samin at tumuloy muna kay Kian pansamantala.
Pinag-aral ko ang sarili ko, nagtratrabaho ako sa gabi at estudyante naman sa araw. Hindi ko alam kung ano ng nangyari kila Mama.
"Gago ka, Bruce." Galit na wika niya nang malaman ang ginawa namin ni Athena.
"Sorry,"
Hindi siya nagsalita at kaagad akong sinapak. Hindi ako lumaban, nanatili lang akong nakatayo. I deserve this.
Pagkatapos kong mag-aral napagdesisyunan kong pumunta na sa ibang bansa at do'n magtrabaho bilang engineer.
"Babalikan kita, pangako." Wika ko bago sumakay ng eroplano.
"I'm sorry," Umiiyak na saad ni Maria. Niyakap ko siya at inalo.
"Hindi mo kasalanan 'yon, okay? Choice ko 'yon."
"Kahit na, dahil sa 'kin kaya nangyari sayo 'yon."
"Hindi, Maria. Dahil sa 'kin kaya nangyari 'yon, okay?"
"Bruce," Mahinang wika niya.
"Hmm?"
"The moon is beautiful, isn't it?"
"Wait, hindi ko kita nasa loob tayo." Seryosong sagot ko.
"Huwag na nga." Saad niya at bumitaw sa yakap ko.
"Bakit?"
"Wala, kalimutan mo na ang sinabi ko." Mataray na saad niya at umalis na.
"What's wrong with her?"
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022