[Clarity]
Naisipan kong bisitahin si Zia sa company namin dati. Naiinis pa rin ako kay Bruce, hindi niya ba alam ang meaning no'n? Nakakainis, nag-ipon pa naman ako ng lakas ng loob para sabihin yon.
"Clarityyyyyyy, omg babalik ka na?" Tumatalon pa si Zia ng makita ako.
"Binisita lang kita, musta na?"
"Okay lang, ang galing ah, saktong breaktime namin ikaw pumunta. Ililibre mo ba ako?"
"Ikaw ang manlilibre sakin, balita ko sweldo niyo raw ngayon."
"Amp. Sige na nga, tutal kakauwi mo lang naman, e. Pa welcome ko na sayo hehehe."
"Sandali," Sabay kaming napalingon kay Kram. "Pwede ba akong sumama sainyo?" Nagkatinginan muna kami ni Zia bago tumango.
Jollibee ang napili naming kainan. Bukod sa ito ang pinakamalapit ay puno na rin sa iba, ayaw naman naming kumain sa mamahaling restaurant. Habang kumakain ay nag-uusap kami.
"Ikaw ba, Kram, may girlfriend ka na?" Biglaang tanong ni Zia.
"Uhm- Wala." Saad niya at tumingin sakin.
"Oh, I see." Makahulugang saad ni Zia.
"Salamat sa libre, Zia."
"Ano ka ba, maliit na bagay lang 'yon."
"Uhm- Clarity." Nabaling ang atensyon ko kay Kram. "Musta ka na? Ang tagal mong nawala ah."
"Ayos lang, ikaw ba?"
"Okay naman." Tumango ako bilang sagot.
"Ehem," Kinuha ni Zia ang atensyon namin, "Sige na te, baka malate pa kaming dalawa, ingat ka ah."
Tumango ako, "Ingat din kayo mamaya pag-uwi."
Dumaan muna ako saglit kay Kuya Kian bago umuwi sa bahay. Bumalik na si Kuya Marc sa ibang bansa. Nagpa-iwan ako dito dahil may book signing pa ako, at may mga bagay rin ako na dapat ayusin.
"Aba! Aba, nakita rin kitang malandi ka." Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daraanan ko.
"Ano bang problema mo, Rimaika?" Siya ang girl bestfriend ni Kram, siya ang dahilan kung bakit kami nag break noon.
"Napakalandi mo talaga!" Galit na wika niya at dinuro pa ako.
"Kung may malandi man dito, ikaw yun Rimaika."
"Ang kapal ng mukha mo," Nanggigigil na saad niya, "Una si Kram, ngayon naman si Bruce."
Gulat na tumingin ako sa kanya, ibig sabihin ba no'n ay siya yung babaeng tinutukoy ni Bruce sa kwento niya? Akala ko'y nagkataon na parehas lang ang pangalan nila.
"Ano? Hindi ka makapag salita kasi totoo. Napakalandi mong babae ka."
"Anong pinagsasabi mo diyan ha? Ikaw lang naman ang malandi dito."
"Ah talaga ha," Matapang na saad niya at may kung anong hinampas sa ulo ko, dahilan upang mapaupo ako.
"Bagay sayo yan, masyado kang malandi. Lahat nalang ng akin ay kinukuha mo." Saad niya at hinampas ulit ako sa ulo ng bagay na 'yon.
Kaagad akong napahawak sa parte ng hinampas niya.
"D-Dugo..." Nanginginig na wika ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay may narinig akong boses.
"Bruce..."
"Shh, huwag kang magsalita, dadalhin kita sa Hospital, Clarity."
"Bruce..." Mahinang wika ko. Hinawakan niya naman ako sa pisngi at binuhat.
Bago ako nawalan ng malay ay isa lang ang nasa isip ko.
Si Bruce...
Siya ang lalaki sa panaginip ko noon.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022