Chapter 8

31 6 0
                                    

"Hays nakakabitin naman yung kwento mo. Ituloy mo pa dali," Reklamo ni Nicx, "Kung kailan malapit na sa exciting na part tsaka naputol."

Napatawa ako dahil sa naging reaksyon nya. Tinawagan na kasi sya ng Mama nya at pinapauwi na sya. Napahaba ata ang kwento ko dahil tanghali na pala.

Natigilan siya dahil tumunog na naman ang cellphone niya, senyales na may tumatawag sa kanya.

Sinagot niya ito kaagad at nagsalita, "Opo Ma, eto na nga po oh, natakbo na po pauwi."

Pinatay niya na ang tawag at nakangiwing humarap sakin, "Uwi na nga ako, sayang naman kasi hays. Gusto ko lang naman kiligin."

“Umuwi ka na gaga, lagot ka sa Mama mo.” Saad ko at mahinang hinila sya patayo. Ayaw nya kasing tumayo sa upuan gusto nya talagang tapusin ang kwento ko.

"Si Mama naman kasi eh." Rinig kong bulong niya.

“Dalian mo na Nicx. Itutuloy ko naman sa susunod e.” Pagdadahilan ko dito dahil baka may importanteng ipapagawa ang Mama niya sa kanya kaya siya pinapauwi.

Kaagad naman itong ngumiti sa akin.

“Sabi mo yan ah.” Tumango ako bilang sagot para makumbinsi siya.

“Ingat ka ah, siraulo ka pa naman.” Tinignan ako nito ng masama bago tuluyang umalis.

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Natawag si Riel. Kaagad ko itong sinagot ngunit kagaya ng dati ay hindi ito nagsasalita.

Nasanay na akong ganito. Simula nung una palang ay hindi na sya nagsasalita kapag magkacall kami. Okay lang naman kung ganun, kung hindi pa sya handa ay makakapaghintay naman ako.

Ilang sandali pa ay namatay na ang call kaya't agad akong nag open ng role play account ko. Dito kasi kami laging naguusap kagaya ng nakasanayan.

Hanggang kailan ka dito sa role play world?

I asked out of nowhere.

Saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong sa kanya ang bagay na 'yon? Buburahin ko na sana ang chat ko ng makita kong na-seen nya na yun.

Riel

Kapag 18 na ako. Ikaw ba?

Kapag 18 na sya? Anim na linggo mula ngayon ay birthday nya na.

Bago siguro bago mag end ang September.

Riel

Mamimiss kong makita ang name mo na nagpa-pop sa messanger ko.

Pwede namang hindi nalang muna ako umalis, hintayin kita.

Riel

Hindi na, ilang araw lang rin naman ang pagitan. At saka mapapalitan naman ng totoo mong pangalan ang makikita ko sa messanger ko.

Napatigil ako, totoo ba 'to? Ilang linggo nalang lilipat na kami sa real world. Ang tagal ko 'tong hinintay sa wakas, konting tiis nalang at magiging totoo na ang lahat.

I love you, mahal.

Riel

I love you too, baby.

Nakangiti akong nakatitig sa cellphone ko. Sana si Riel na talaga, kasi kung hindi siya, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mag mahal ulit.

Ang corny mo, saad ng utak ko.

Ganito ba talaga kapag inlove? Nababaliw na ata talaga ako.

"Clarity kakain na, tanghali na."

Rinig kong tawag ni Nanay mula sa kusina.

"Opo, eto na po." Saad ko at naglakad na papunta sa kusina.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now