“T-tulong! H-hindi ako makahinga.” Sigaw ko ngunit sobrang hina na lamang ang nailalabas kong boses siguro'y dahil sa hirap kong paghinga.
“M-may tao ba dyan? T-tulong!” Sinubukan ko ulit, umaasang may makakarinig sa akin.
Mas lalo akong nahirapan huminga ng mas lalong lumakas ang apoy. Nababalot na ng usok ang buong lugar.
Nabuhayan ako nang makitang may papalapit na bulto ng isang lalaki.
Kaagad nya akong binuhat ngunit hindi ko makita ang itsura nya sobrang labo.
“Bruce..”
Hindi ko alam ngunit ang pangalan na iyon ang kusang lumabas sa bibig ko.
Tuluyan na kaming nakaalis sa lugar, dinala nya ako sa isang kulay blue na kotse. Binigyan nya ako ng paunang lunas.
“Bruce..” Sambit ko ulit sa pangalan nya.
Hindi nya ako pinansin at patuloy lang akong ginagamot, itinaas ko ang kanang kamay ko upang hawakan sana ang mukha nya ngunit...
“CLARITY, BUMANGON KA NA DYAN ANONG ORAS NA. MALE-LATE KA NA NAMAN.” Nagising ako dahil sa sigaw ni Nanay sa labas ng kwarto ko.
Panaginip lang pala ngunit sigurado akong si Riel yung lalaki sa panaginip ko pero bakit Bruce ang pangalan nya dun at hindi Blue?
“CLARITY, BUMANGON KANA DYAN!” Nabaling ang atensyon ko kay Nanay, nakapasok na pala sya dito sa kwarto ko.
First day of class nga pala ngayon. Senior High School Student na ako. Kaagad akong nakabalikwas ng bangon.
“Opo, eto na maghahanda na po.”
Papasok na sana ako sa school ng makita ko si Nicx at Michelle. May tinitignan sila sa hindi kalayuan, sinundan ko ng tingin ang tinignan nila, nagtaka ako dahil nakatingin sila sa tindahan ng takoyaki.
“Woi, sinong tinignan nyo dyan?” Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
“Huh? Ah, e...” Tinignan ko naman sila nang nagtataka, parang nag-aalangan pa si Michelle kung sasabihin nya o hindi kaya't si Nicx na ang nagsabi.
“Para kasing nakita namin yung boyfriend mo dun sa tindahan ng takoyaki.” Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
“Oo nga, kaso hindi na namin nakita biglang nawala eh.”
“Huh? Pa'no naman mapupunta dito sa Cavite yun? E, taga Las Piñas 'yon tsaka may klase yun.”
“Sabagay.” Sagot ni Nicx at nagkibit balikat.
“Tara na nga, gutom lang yan.”
“Siguro nga, hindi ako nakapag almusal bago pumasok eh.”
Sinamahan ko silang dumaan sa cafeteria dahil hindi pa nga raw sila kumakain.
"Nakita niyo ba talaga siya?" Sinisigurado ko lang ngunit malabo talaga na mapunta siya dito sa Cavite.
"Huwag mo ng alalahanin yun, baka namalik-mata lang kami dahil sa gutom." Si Nicx ang sumagot.
"Sure ka ba? Malay niyo siya talaga yun?"
"Hays ayan ka na naman, nag o-overthink ka na naman. Kasalanan nyan ng ex mo e." Naiinis na wika ni Nicx.
"Oh? Bakit nadamay ang ex ko dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Simula nung naghiwalay kayo madalas ka ng mag overthink, ang bilis mo ring ma insecure." Seryosong sagot niya.
Natahimik ako dahil sa sagot niya, marahil dahil tama ang sinabi niya.
"Ehem." Pekeng ubo ni Michelle, "Huwag kang mag-alala Clarity kapag nakita ulit namin at sure na kami na boyfriend mo nga ang nakita namin ay sasabihin namin sayo kaagad."
"Sige, salamat."
Ngumiti siya sakin at naghiwa-hiwalay na kami dahil magkakaiba kami ng room.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022