[Clarity]
Puting ilaw ang tumatama sa mukha ko nang magising ako. Kaagad akong nahawak sa ulo ko nang kumirot 'yon.
"Arghhh."
"Clarity, ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" Kaagad na dumalo sa 'kin si Kuya Kian. Inilibot ko ang paningin ko at do'n ko lang nalamang nasa hospital ako.
"A-Ayos lang ako Kuya Kian." Naalala ko bigla si Bruce, siya ang nagdala sa 'kin dito.. "Nasaan po si Bruce?"
"Nabili lang ng pagkain sa labas." Sagot ni Athena.
At do'n na pumasok ang idea ni Athena na i-prank si Bruce. Nagpanggap siyang naiyak. Hindi ko alam kung successful naman ba ang plano namin pero masaya ako, dahil matatawag ko ng sa akin ang lalaking matagal ko ng pinapangarap.
"Kayo talaga puro kayo kalokohan." Naiiling na wika ni Bruce. Kwinento kasi namin sa kanya ang nangyari sa hospital. Gising na talaga ako no'n kaya't narinig ko ang mga sinasabi niya.
"Pinagkakaisahan niyo ako ah." Yumakap naman ako sa kanya. Nandito kami sa tabing dagat.
Napagdesisyunan kasi nila Kuya Kian na mag Boracay muna para iwas stress.
Naaalala ko bigla si Rimaika, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero ang sabi nila Kuya Kian ay nakakulong raw ito. Gusto ko siyang bisitahin pero ayaw nila akong payagan. Gusto ko lang siyang makausap kung bakit niya ginawa sa 'kin 'yon.
"I love you." Biglang saad ni Bruce na nasa tabi ko.
"I love you more." Hindi nakaligtas sa 'kin ang pamumula ng tenga niya. Ang cute.
"Mamaya labas ka ah, mga 12:00 para saktong February 25." Tumango nalang ako at hindi na sumagot.
Nagpahinga muna ako sandali bago nag-ayos at lumabas. Nagsuot lang ako ng isang simpleng blue na dress.
Ngumiti ako kaagad nang makita si Bruce na nag-aantay sa labas. Ang gwapo niya sa suot niyang t-shirt, well lagi naman siyang gwapo sa paningin ko.
Kumapit ako sa braso niya bago kami naglakad.
"Bakit?" Tinaasan niya namana ko ng kilay. "Bakit kako? Anong meron? Hindi naman natin monthsary."
"Kapag may okasyon lang ba kita pwede makasama maglakad sa tabing dagat?"
"Hehe, sabi ko nga hindi-," Napatingin naman ako sa langit. "Look oh, ang ganda ng moon."
Napatingin din siya do'n at napangiti.
"It reminds me of you."
"Naalala kita sa buwan."
Nagkatinginan kami dahil sa sabay naming sinabi.
"I love you, Maria."
"I love you more, Baby." Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti. "Baby, kinikilig ka."
Hinawakan niya ako sa kamay at hinalikan ang noo ko.
"Look at the moon, again." He said. Kaagad naman akong tumingin sa buwan. Ang ganda nito, naramdaman ko naman ang pagkawala ng kamay ni Bruce sa hawak ko kaya't nabaling sa kanya ang atensyon ko. Gano'n na lamang ang gulat ko ng makitang nakaluhod siya.
"M...Maria." Nanginig na sambit niya sa pangalan ko... "I know, I'm not the best man-.."
"No, you're the best man in this world." Pagputol ko sa sasabihin niya, natawa naman siya dahil do'n.
"Baby, this is my speech. Listen first." Tumango naman ako.
"I know, I'm not the best man in this world, but I will be the best man to you. I will do everything just to make you happy, liligawan kita araw-araw. Mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay," Naluluhang tumingin ako sa kanya. "Maria, will you marry me? And be with me forever?"
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022