Chapter 35

18 4 2
                                    

Nawala ang takot ko nang makita kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.. "B-Braim."

Nagulat siya nang humarap ako sa kanya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. He look matured now, parang hindi na siya 'yong dating Braim na mahilig magbiro.

"Ano nga ulit 'yong sinasabi mo, Clarity?" Tanong ni Laurence, hindi ko na kasi natapos ang sasabihin ko kanina dahil dumating si Braim.

"A...Ah, wala. Ano, sabi ko una na ako." Halos kurutin ko na ang sarili ko dahil sa pagkautal. Bakit ba ako kinakabahan? Dapat siya ang mas mahiya sa aming dalawa dahil niloko nila ako.

Lumabas na ako at sumunod naman si Braim kaya't napatigil ako.

"Clarity, sandali." Lumingon naman ako sa kanya.. "Sorry, I didn't want to fool you. I have no choice,"

"That's okay, kalimutan mo na 'yon." Ngumiti ako ng tipid sa kanya para ipakita na okay lang.

"No, that's not okay, Clarity." Bumuntong hininga siya... "Hindi okay 'yon, nasaktan ka namin."

"That's okay, Braim. Don't worry. Lahat naman tayo nasaktan." Akmang aalis ako ng magsalita siya ulit.

"Pakinggan mo ang paliwanag ni Drew, kahit 'yon lang, Clarity, please." Saad niya sa nagmamakaawa tono.

Hating gabi na, hindi ako makatulog iniisip ko 'yong sinabi ni Braim.

Natatakot ako ngunit wala namang nawawala kung susubukan ko? Kaagad akong umiling, ayoko. Ayokong masaktan muli at umuwing luhaan. Natatakot na akong maiwang mag-isa.

"Pero walang mangyayari kung hindi mo man lang susubukan." Michelle said.

Nandito ako ngayon sa site at humihingi ako ng tulong sa kanya kung anong dapat gawin. Buti nga at naabutan ko siya dito.

She's right, hindi ko malalaman ang mga sagot sa mga tanong ko kung hindi ko bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Bruce.

"N... Natatakot ako." Nanghihinang wika ko.

"You now what? Walang mangyayari sayo kung hindi mo haharapin 'yang takot mo. Ayaw mo bang malampasan iyan?" Umiling pa siya, "Gusto mo bang nakakulong ka habang buhay sa takot na 'yan?"

Para akong sinampal ng katotohanan sa mga binigkas niya.

"Bigyan mo siya ng chance magpaliwanag, hindi pa naman huli ang lahat, Clarity."

Hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko ang mga sinabing iyon ni Michelle.

"Nay.." Nagtatanong na tumingin siya sa 'kin, "Kapag po may problema kayo ni Tatay, anong pong ginagawa niyo?"

Tumabi naman siya sa akin, nandito kami ngayon sa labas ng bahay. May munting garden kasi dito si Nanay.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya. Ngayon lang kasi ako nagtanong sa kanya tungkol sa ganoong bagay.

"Wala naman po, hindi ko po lang alam ang gagawin ko."

"Hmm.. Hindi ko alam kung anong problema mo, Clarity," Tumikhim muna siya at hinawakan ang kamay ko bago magpatuloy sa pagsasalita.. "Pero, kapag kami'y nag-aaway ng Tatay mo, nagpapalamig muna kami ng ulo parehas bago kami mag-usap ng masinsinan. Mahalagang kalmado kayo habang nag-uusap, mas lalo lang kasing gugulo kung sarado ang isip niyo. Dapat ay handa kayong makinig sa paliwanag ng bawat isa at handa kayong tanggapin kung ano ang pagkakamali niyo."

Nanatili akong nakikinig sa bawat sinasabi ni Nanay.

"Ikaw ba'y may boyfriend na?" Biglaang tanong niya.

"Hala! Wala po." Natatarantang wika ko.

"Aysus, Clarity. Simula no'ng mag break kayo ni Kram ay hindi ka na nag boyfriend."

Hindi nga pala nila alam 'yong tungkol sa role play world. I'm just 15 years old that time. Kung tutuusin ay sobrang bata ko pa no'n.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now