Chapter 22

19 6 2
                                    

"Anong ginagawa nyo dito sa kusina?" Kaagad naman akong napalayo kay Bruce at napatingin naman ako kay Braim na kakapasok lang at may ngisi sa labi.

Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Bruce magsalita. "Sabihan mo nga iyong dalawa, sa sala pa nagtukaan."

"Eh, kayo? Baka nagtukaan din kayo dito ha!" Aniya at tinignan pa kaming dalawa ni Bruce na parang may ginawang kababalaghan dito sa kusina.

Napaiwas naman ako tingin dahil sa sinabi ni Braim. Nakakahiya, ano ba iyang pinagsasabi niya.

"Gago." Saad ni Bruce. Hindi ko makita kung masama ba ang tingin niya kay Braim dahil naka sunglasses siya, hindi niya pa rin inaalis 'yon kahit hating gabi na.

"Ikaw pre ah, isusumbong kita kay Kian."

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ng kusina. Napatigil ako ng makasalubong ko si Athena, namumula ang pisngi niya.

"Anong nangyari sayo? May sakit ka ba? Namumula ka." Pag-uusisa ko.

Umiling naman siya. "A..ah wala, ano kasi mainit." Saad niya at tila hindi mapakali, hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin.

"Sure ka?"

"Oo. Siguro need ko lang uminom ng tubig ang init kasi eh." Sagot niya at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kamay niya.

"Ah, sige?" Tumango nalang siya at pumasok na kaagad sa kusina.

Maglalakad na sana ako ulit nang marinig ko ang boses ni Braim.

"Ikaw Athena ha! Bakit diyan kayo nagtutukaan ni Kian sa sala kanina?"

Doon ko lang naalala ang nangyari kanina. Kaya siguro siya namumula dahil do'n.

"Isusumbong kita kay Tito." Rinig ko pang sabi ni Braim. Wala talagang preno ang bibig niya, panigurado ay pulang pula na ang mukha ni Athena ngayon.

Teka nasaan ba si Kuya Kian? Naglakad naman ako palabas ng bahay. Lagi kasing dito sa labas nakatambay 'yon kapag ganitong oras.

"Kuya Kian." Tawag ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Oh, Clarity bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog, e." Dahilan ko. Hindi kasi nila alam na isa akong writer. Sila Nicx at Michelle lang ang nakakaalam no'n. "Ikaw nga rin hindi pa natutulog."

"May iniisip lang ako." Tinignan ko naman siya, namumula rin ang pisngi niya. Gusto ko siyang asarin kaso baka magalit siya.

"May girlfriend ka na ba, Kuya?" Makahulugang tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Wala lang, ang tanda niyo na e. Wala ba kayong balak mag-asawa?" Wala pa kasi siyang pinapakilala samin na girlfriend, ang alam ko dati ay may girlfriend siya pero hindi ko naman nakilala.

"Well, uhm- meron naman?" Hindi siguradong sagot niya. "Pero ayaw kasi sa 'kin ng babaeng gusto ko."

"Edi ligawan mo, kung kailangan mong gayumahin, gayumahin mo." Pagbibiro ko sa kanya.

"Sira, anong gayumahin? Hindi pwede 'yon. Dapat totoong pagmamahal."

Ang seryoso niya naman. "Sino naman 'yong babaeng gusto mo?"

"Huwag mo ng isipin 'yon." Saad niya at umiling.

"Si Athena ba?" Nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya.

"H....hindi ah!" Nagkibit balikat naman ako.. "Hindi nga siya!"

"Okay sabi mo, e."

"Hindi naman kasi talaga siya."

"Defensive."

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now