Anim na taon, anim na taon na ang nakakaraan pero eto pa rin ako, hindi ko pa rin sya makalimutan. Kahit ang mukha ng pinsan nya ay sobrang linaw pa rin sa isip ko...
Ano na kayang nangyari sa kanya? Siguro ay may asawa't anak na yun ngayon.
Nataawa ako dahil sa naisip ko. Mabuti pa sya samantalang ako, eto walang balak mag boyfriend. Single tita nalang ata ako in the future..
Simula noon ay hindi na ako nagbalak pang mag boyfriend ulit, para saan pa? Lolokohin ko lang ang sarili ko. Alam kong hindi pa ako nakaka move on. Ayokong gumamit ng ibang tao para lang maging okay ako.. Ayokong may masaktan ako dahil lang sa pansariling kapakanan, sobrang selfish naman no'n..
"Lumabas na ba ang resulta ng board exam mo?"
Napatingin naman ako kay Nanay at umiling bilang sagot. Ngayong buwan nga pala malalaman ang resulta ng board exam namin..
Grabe, akala ko dati madali lang ang accounting. Halos dasalan ko na lahat ng santo para lang maka graduate ako. Hindi naman kasi nagreklamo si Kuya nung nag-aaral sya kahit nga wala kaming laptop noon ay hindi naman sya nag reklamo hindi ko rin sya nakitaan ng panghihina, kaya nga mas pinili kong kuhanin ang katulad ng kurso nya dahil nakita ko ang paghihirap at pagpupursigi nya.
Sobra talaga akong humahanga kay Kuya kaso minsan ay utos ng utos kahit nasa malapit lang ay iuutos nya pa sakin para kuhanin.
Kapag nakapasa ako sa board exam at maging isang ganap na CPA hindi ako mag a-apply sa company kung saan manager na ngayon si Kuya baka kasi mag-away lang kami no'n baka utos utusan pa ako no'n, syempre joke lang.
Kaya ayoko dahil baka isipin ng iba ay nag te-take advantage ako dahil lang sa isang manager ang Kuya ko. Baka isipin pa nila dahil kay Kuya kaya ako nakapasok sa trabaho, naku huwag na, makikitid pa naman ang utak ng mga tao ngayon..
Si Nicx naman ay graduating this year, Nursing kasi ang kinuha nyang kurso samantalang si Michelle ay Architecture, ang alam ko 5-7years ang kailangan doon.
Ako ang naunang mag graduate samin dahil apat na taon lang ang ginugol ko sa kolehiyo.
Ang bilis ng panahon parang kahapon lang nung nag moving up kami. Sinong mag-aakala na malalampasan namin lahat ng hirap na pinagdaraanan namin. Sobrang proud ako. Lalo na kay Nicx at Misel, ako nga na 4year lang sa college ay sobrang nahirapan na. Paano pa kaya sila?
"Ano, Clarity, wala pa rin?" Tanong naman ulit ni Nanay. Pang sampung tanong nya na ata 'yan simula kaninang umaga.
Napailing nalang ako at napangiti, wala kasing sinabi samin kung kailan ang exact date basta raw ay ngayong buwan..
"Wala pa Nay e," Saad ko at malungkot na tumingin sa kanya. Ayokong ipakita na kinakabahan ako, "Baka po next week pa yun, Nay."
"Mamalengke ka nalang muna, nandyan ang listahan ref. Bilisan mo lang ha, uuwi ang Kuya mo mamaya."
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022