Anim na araw na ang nakalipas simula ng mangyari 'yon.
August 25 na ngayon at ngayon dapat ang 6th monthsary namin.
Lumabas ako ng bahay at tinignan ang Buwan. Sobrang ganda nito.
Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay at itinapat ito sa Buwan na tila hawak ko 'to. Napangiti ako.
Simula ng makilala ko sya ay nahilig ako sa Buwan dahil kahit na malayo kami sa isa't isa alam kong sa iisang buwan lang kami nakatingin.
Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman na basa ito, umiiyak na pala ako. Naalala ko dati lagi nyang sinasabi sakin na, "Labas ka, ang ganda ng buwan". Mapait naman akong napangiti.
Simula ng mangyari yun, lagi kong inaabangan ang buwan, umaasang managinip nalang ang lahat, umaasang pagkagising ko ay sya pa rin ang makakasama ko.
Napabuntong hininga ako ng maalala ang usapan namin ni Nicx kanina.
"Eh anong balak mo?" Tanong nya.
"Wala. Siguro hahanapin ko nalang 'yung pinsan nya..."
"Nahulog ka na dun ano?"
"Sa totoo lang hindi ko alam. Ang nasa isip ko kasi talaga ay yung nasa picture ang nakakausap ko."
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yun. Pwede kaya ang bagay na 'yon? Nagkagusto na ako dun sa nasa picture dahil ang nasa isip ko ay sya ang nakakausap ko araw-araw.
"Clarity pumasok ka na, gabi na."
Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Nanay. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Anong nangyari dyan sa mata mo?" Saad nya at tinignan ako mabuti.
Lagot anong idadahilan ko.
"A-ah ano Nay, hindi ko rin alam e. Paggising ko ganyan na 'yan e." Pagdadahilan ko.
Tumango naman sya at sandali ulit akong tinignan.
October 12 na ngayon, inaantay kong 12:00am dahil gusto ko ako ang unang babati sa kanya.
Binuksan ko ang isang maliit na box, nakalagay doon ang isang kwintas na may pendant na moon, ito dapat ang ireregalo ko sa kanya.
Pinaka titigan ko ito at napangiti ng mapait.
"Bakit ba tayo humantong sa ganito?"
Nababaliw na ata talaga ako.
Bakit ba iniisip ko pa rin yun? Babae siya.
Mahina kong tinuktukan ang ulo ko para naman kahit papaano ay magising ako sa katotohanan.
Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko.
Tinignan kong muli ang kwintas, kaagad ko yung kinuha at mabilisang sinuot sakin.
Umayos ako ng upo at inayos ang sarili. Tinignan ko sandali ang oras.
11: 58pm na. Dalawang minuto nalang ay birthday na niya.
Nagtipa naman ako ng mensahe para sa kanya.
To: Riel
hoyyy! happy birthday. wish you all the best. stay safe. mabuhay ka raw hanggang want mo.
Kaagad ko naman itong sinend ng makitang 12:00am na. Gusto ko pa sanang pahabain pero ang drama naman masyado baka sabihin niya ang oa ko.
Baka kung ano pang isipin nya, kahit na gano'n ang nangyari hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Siguro dahil napakalaki ng naitulong nya sakin. Kahit kailan hindi ako nag tanim ng sama ng loob sa kanya.
Gusto ko syang maging kaibigan, yung sya na talaga walang role play o kung ano man. Ang dami kong natutunan sa kanya.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022