Chapter 28

19 5 0
                                    

Nanatili ang tingin ko kay Bruce. Ngayong nasa harapan ko na ang pinsan ni Athena hindi ko man lang alam ang gagawin ko.

Naalala ko pa dati, sabi ko hahanapin ko siya pero ano 'tong ginagawa ko? Malapit lang siya at nakakausap ko pa ngunit hindi ko man lang alam ang dapat kong sabihin o dapat kong gawin.

Ano na, Clarity? Nangako ka sa sarili mo na sasabihin mo sa kanya ang lahat ng ginawa ni Athena pero ngayong malapit na siya sayo ay wala ka man lang magawa.

"Riel.." Napalakas yata ang pagkasabi ko kaya't napatingin si Braim sa akin, nakikita ko ang gulat sa mga mata niya. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Bruce, hindi siya nakatingin sa akin. Alam kong narinig niya ang sinabi ko ngunit wala siyang reaksyon, wala nga siguro siyang alam sa panggagamit ng pinsan niya sa mga pictures niya.

"Ria, tama na." Gulat na tumingin naman ako kay Braim. Tinawag niya ako sa pangalan ko sa role play world.

"W...What do you mean?" Walang sabi niya naman akong hinila palabas, dinala niya ako sa garden.

Binitawan niya ako kaagad nang makarating kami.. "Tumigil ka na Ria, hindi totoo si Riel." Umiwas naman siya ng tingin... "Sinabi na sayo ni Athena, hindi ba?"

Kumunot naman ang noo ko... "S...sabi niya siya ang nagplano pero hindi siya ang gumawa, sinabi mo rin 'yon! Narinig ko ang pag-uusap niyo."

Bahagya naman siyang tumawa... "Naniwala ka naman?" Lumapit siya ng bahagya sa akin... "Alam mo, kaya ko nasasaktan kasi uto-uto ka."

Naiinis na tumingin naman ako sa kanya... "Bawiin mo ang sinabi mo." Madiing wika ko.

"Why?" Lalo pa siyang ngumisi, "Masakit ba ang katotohanan? Sa tingin mo ba magsasabi sayo ng totoo si Athena matapos ng ginawa niya sayo?"

"P....Pero,-" Nagsalita siya ulit kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"That's what you called acting. Ria, makinig ka, hindi lahat ng tao sa paligid mo totoo sayo." Makahulugang saad niya bago ako iwan sa garden.

Napaupo naman ako, hindi ko kaya. Akala ko ba tanggap ko na? Clarity, tama na. Hindi ka pa ba napapagod? Tama na. Tuluyan na akong napahagulgol.

"Manloloko kayong lahat." Bulong ko habang patuloy na umiiyak.

"Maria, what the hell. Anong ginagawa mo diyan?" Lalapitan sana ako ni Bruce ng pigilan ko siya.

"Huwag kang lumapit, h...huwag kang lalapit sa akin."

"What-..." Natigil siya ng dumating si Kuya Kian.

"Bruce, hayaan mo siya. Umalis ka na lang muna." Mahinahong wika niya. Nagtitigan pa sila ni Bruce. Makalipas ng ilang segundo napipilitang umalis si Bruce, lumingon pa siya sa akin bago siya tuluyang umalis.

"Clarity! Patay ako nito kay Tito eh!"

"K...Kuya Kian, S-Sorry. Hindi 'to makakarating sa kanila." Umupo naman siya sa tabi ko.

"Okay lang 'yon." Saad niya at inalo ako. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Kuya Kian, bakit gano'n? Gusto ko lang naman maging masaya." Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko, "A..akala ko, a-akala ko okay na ako pero heto pa rin. Nabalik pa rin 'yong sakit." Nahihirapang wika ko.

Hindi naman siya nagsalita nanatili lang siyang tahimik ngunit alam kong nakikinig siya.

"Akala ko tanggap ko na, kasi nakausap ko na si Athena pero hindi, may kulang. Para bang may mali." Hindi ko alam ang reaksyon niya dahil hindi ko siya nakikita. Hindi rin siya nagsasalita, ni-hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. Alam kaya niya?

"Kuya Kian-..."

"Shh. Clarity, lahat ng bagay may dahilan, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mong makalimutan o matanggap ang isang bagay."

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now