"Ayoko na." Seryosong wika ko habang nakatingin nang diretso kay Kram.
Ubos na ubos na ako... Kailan niya ba makikita ang halaga ko? Kahit saglit lang, isipin niya naman sana ang nararamdaman ko.
"Sigurado ka ba diyan, Clarity? Hindi mo kaya ng wala ako." Kampanteng saad niya.
Sarkastiko akong tumawa.. "Hindi kaya ng wala ka? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Pagkatapos ng mga ginawa mo, iisipin mong hindi ko kaya ng wala ka? Gago ka pala e," Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya.
Hindi ko na hinayaan pang marinig ang mga kasinungalingang sasabihin niya, umalis na ako kaagad sa lugar na iyon.
Noong una ay ayokong maniwala sa nararamdaman ko, alam kong may nagbago kay Kram.. Alam kong... m-may namamagitan sa kanila ng sinasabi niyang kaibigan niya lang.
Ang mga responsibilidad na ako dapat ang gumagawa ay kinuha na lahat ng babaeng iyon, ang mga masasayang ala-ala namin ay napalitan ng masasayang alaala nila.
Hindi ko iyon pinansin nung una dahil akala ko normal lang ang pagiging sweet nila sa isa't-isa.
Hanggang sa.... nakita ko silang n-naghahalikan kanina sa loob mismo ng convo ni Kram.
Hindi ako tanga, hindi...
Isang taon at pitong buwan ay natapos lang sa loob ng isang minuto.
Lahat ng mga plano namin, lahat ng pangarap namin naglaho nalang bigla.
Rimaika, hindi ko makakalimutan ang pangalan ng babaeng iyon, ang babaeng sumira sa relasyon namin ni Kram...
Dinampot ko ang nakita kong maliit na bato at hinagis ito kung saan. Gusto kong ilabas ang galit at sakit na nararamdaman ko.
"Arayy." Rinig kong daing mula sa hindi kalayuan.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na may natamaan ako sa hagis ng bato.
Lalapitan ko na sana kung sino man ang natamaan ko ngunit may isang lalaking lumapit sakin at inabutan ako ng panyo.
Sandali akong napatitig sa kamay niyang may hawak na panyo, nagdadalawang isip kung dapat ko ba itong tanggapin o hindi.
"Ayoko ng pinaghihintay ako." Malamig na saad nito.
"Huh?" Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.
"Get this." Saad niya at mas inilapit pa sakin ang panyo.
Hindi na siya nakatiis at siya na mismo ang naglagay ng panyo sa kamay ko.
"Sa susunod huwag kang iyakan, sapakin mo."
Mas lalo akong napatulala sa pinagsasabi niya.
"Lumaban ka, huwag kang pumayag na ginaganyan ka lang-...." Natigil siya sa pagsasalita ng may lumapit na isang lalaki samin.
"Kanina ka pa hinahanap ni Tito." Saad ng kararating lang na lalaki habang hinihimas ang kanyang ulo.
"What happened to you?" Nagtatakang tanong nung lalaking nagbigay sakin ng panyo.
"May tumamang bato sakin kanina, nakakainis."
Kaagad akong napatalikod sa kanila, lagot siya pala yung natamaan ko ng bato..
"Bruce! Braim!" Rinig kong sigaw ng isang babae.
Naglakad na ako palayo at hindi na tumingin pa dun sa dalawang lalaki, hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Babalik sana ako upang magpasalamat ngunit naglalakad na sila palayo.
"Thank you." Bulong ko at nakangiting tumingin sa panyo. Ngayon ko lang napansin na kulay asul pala ang panyo niya, napangiti ako, ang paborito kong kulay.
![](https://img.wattpad.com/cover/284759317-288-k375322.jpg)
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022