Chapter 43

18 4 3
                                    

[Bruce]

"Bruce, anong nangyari?" Tanong ng kararating lang na si Athena.

"Si Rimaika."

"Baliw talaga ang babaeng 'yon." Naiinis na wika niya.

"Diyan ka muna, pupunta lang ako sa presinto."

"Sama ako," Saad niya at pinigilan ako.

"Walang maiiwan dito,"

"Papunta na sila Kian." Naiwas lang siya kay Kian kaya siya sasama sa 'kin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Nasaan po siya?" Kaagad na tanong ni Athena sa pulis nang makarating kami.

"Nasa loob ho, kanina pa nagwawala."

"Walang hiya ka, baliw ka talagang babae ka." Saad ni Athena nang makita niya si Rimaika at sinabunutan ito.

"Athena, tumigil ka." Inawat ko na siya, halos maiyak na si Rimaika dahil ang higpit nang hawak sakanya ni Athena.

"Bruce, hindi ko naman sinasadya eh," Nagmamakaawang saad ni Rimaika, hindi ko siya pinansin. She deserved to be imprisoned.

"Nakakagigil talaga ang babaeng 'yon." Nanggigigil na wika ni Athena.

"Kung hindi lang ako pinigilan ni Kuyang Pulis hindi ko bibitawan ang buhok no'n, kakalbuhin ko talaga siya."

Napailing nalang ako, grabe talaga ang gigil niya kay Rimaika.

"Bruce, anong nangyari?" Bungad ni Kian nang makarating kami sa Hospital.

"Si Rimaika,"

"Sino ba ang Rimaika na 'yon?" Biglaang Saad ni Zia. Nandito rin siya kasama siya ni Laurence.

"Huwag mo ng problemahin 'yon, halos kalbuhin ko na kanina 'yon." Proud na saad ni Athena.

"Bakit hindi mo ako sinama?"

Nagkatinginan nalang kami nila Laurence at Kian.

"Isang buwan na, hindi pa rin siya nagigising." Saad ni Kian at tinignan si Maria na nakahiga pa rin ngayon sa hospital bed.

"Bibili muna ako ng makakain." Saad ko at lumabas. Hindi ko kayang nakikitang nasa ganoong sitwasyon si Maria. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal ng isang buwan.

"Anong nangyari?" Kinakabahang turan ko, umiiyak kasi si Kian, habang si Athena at Laurence ay hindi makatingin sa 'kin.

Lumapit ako kay Maria at hinawakan ang kamay niya.

"Maria, gumising ka na, please."

"Mahal na mahal kita, papakasalan pa kita. Bangon ka na diyan."

"Alam ko na ang isasagot sa 'The moon is beautiful, isn't it?'." Nag google ako dahil do'n, hindi niya kasi ako pinansin ng ilang araw dati.

"I love you, Maria."

"I love you too, Bruce."

Nagulat ako dahil sa tinig na 'yon, kaagad akong napatingin kay Maria, gising na siya. Gising na si Maria.

"OMG!"

"Clarity!"

Iba't-ibang reaksyon nila Kian nang makitang gising na si Clarity.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Saad ko at nag-aalalang tumingin sa kanya.

"Ayos lang ako, Baby." Pinamulahan ako ng mukha dahil sa itinawag niya sa 'kin, hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Parang kanina ay sinabi mo pang mahal na mahal mo ako." Gulat na tumingin ako sa kanya.

"Bruce, let's make it official. Mahal naman natin ang isa't isa diba?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"W-What do you mean?"

"Tayo na."

"Pero hindi pa ako nanliligaw."

"Pwede mo naman akong ligawan kahit tayo na."

"Sure ka ba?"

"Ayaw mo?"

"Syempre, gusto. I love you."

"I love you more." Ngumiti siya sa 'kin nang napakatamis, hindi ko na napigilan ang sarili ko't hinalikan ko na siya.

"Yuck."

"Corny niyo."

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now