Gumising nga akong nandyan pa sya pero....
Riel: Aalis na rin ako,
Trid: Akala ko ba hindi ka aalis?
Riel: Oo nga, nangako akong dito pa rin ako hanggang sa magising ka. Tinupad ko naman diba?
Trid: Kapag umalis ka, kalimutan mong may nakilala kang Trid sa mundong 'to. Kalimutan mo ako.
Riel: Hindi ko kaya,
Trid: Edi huwag kang umalis...
Hindi ko alam kung saan ako nakuha ng lakas ng loob para pigilan sya, desperada na talaga ako...
Riel: Trid, huwag naman ganito oh.
Bigla akong natauhan, sobra na pala. Siguro dapat ay hayaan ko na sya sa mga bagay na gusto nyang gawin, wala naman akong karapatan para pigilan sya.
Trid: Riel, The moon is beautiful, isn't it?
Riel: Hindi ko kita nasa loob ako...
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sagot nya o ano... Hindi na sana ako mag rereply ng magchat ulit sya...
Riel: The phrase above doesn't literally mean "the moon is beautiful, isn't it?" in Japanese. It actually means "I love you".
Nag search pa talaga sya, natawa naman ako dahil do'n at napatigil nang mabasa ang sunod nyang chat.
Riel: Trid, I love you too.
Nagulat ako, hindi ko inaasahan ang sagot nya. Ngunit mas hindi ko inaasahan ang sunod nyang sinabi.
Riel: Baby? Can you give me another chance to be your boyfriend again? This time we will take everything slow, slow but sure. Can you be may girlfriend again? Please say yes.
Hindi ako magalaw, sobra akong kinakabahan. Totoo ba ito? Ang tagal ko 'tong hinintay. Halos mapaiyak ako sa tuwa. God, Thank you.
"CLARITY BUMANGON KA NA DYAN, TANGHALI NA!"
Agad akong napahawak sa ulo ko. Panaginip, napanaginipan ko na naman kung paano kami nagkabalikan ni Riel. Sa tuwing natutulog ako ay sya na lamang lagi ang laman ng panaginip ko. Hindi ko alam kung maituturing ko ba itong isang magandang panaginip o bangungot....
Napatingin ako sa salamin at nakitang sobrang pawisan ang mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko na syang kalimutan pero heto't lagi syang nasa panaginip ko. Babae sya, ANO BA CLARITY!
Naiinis na ako sa sarili ko, dati naman ay hindi ako ganito. Dati naman ay iiyak lang ako sandali at pagkatapos no'n ay okay na pero ngayon halos isang buwan na ang nakakaraan matapos ang nangyaring 'yon. Hindi pa rin ako nilulubayan ng mga ala-ala namin.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan?" Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Michelle at Nicx.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko nakalimutan kong kasama ko nga pala sila.
"Feeling ko may mali sa mga nalaman ko. Para bang may kulang..."
Nagulat naman sila dahil sa sinabi ko, eto kasi ang unang beses na io-open ko ulit ang topic tungkol do'n. Hindi kasi sila nagtatanong sakin tungkol do'n pagkatapos kong magkwento. Naiintindihan ko naman sila, siguro'y ayaw lang nilang maalala ko 'yon o baka ay ayaw lang nila akong masaktan.
Kahit hindi ko sabihin alam ko sa sarili ko na iiyak na naman ako kapag sya ang pinag-uusapan.. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap.. Mas mahirap pa pala 'to..
"Hahanapin ko talaga ang pinsan nya kapag nagkatrabaho na ako..."
![](https://img.wattpad.com/cover/284759317-288-k375322.jpg)
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romantizm"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022