Nanatili lang akong nakatingin sa kisame habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko mapigilan, kahit ayokong umiyak wala e, kusang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko.
Agad kong inabot ang cellphone ko at tinignan ang oras. Ala sais na pala ng umaga, ibigsabihin tatlong oras na akong iyak ng iyak?
Kahit hindi ako inaantok pinipilit kong ipikit ang mga mata ko, alam kong maga na naman bukas ang mga mata ko pero bahala na si batman.
Kahit anong pilit ko hindi na ako makatulog, inabot na ako ng alas syete ng umaga.
"Ganito ba talaga ang epekto nya sakin? Bakit ba ayaw mo nalang syang kalimutan. Napaka uto-uto mo kasi e!" Naiinis na wika ko at sinabunutan ang sarili.
Nababaliw na ata ako, kinakausap ko na ang sarili ko ngayon?
"Uto-uto, kaya ka laging naloloka e."
Napailing ako, ano ba 'yan. Oo na uto-uto na ako.
Uto-uto, paulit ulit na naririnig ko sa utak ko ang salitang 'yon. Kailangan pa bang ipamukha 'yon sa akin? Alam ko na naman e.
Hindi ko namalayan ngunit kusang sumuko ang mata ko at tuluyan na akong nakatulog. Marahil ay ang mga mata ko'y pagod na rin.
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Anong oras na ba? Kaagad kong kinuha ang cellphone ko tinignan kung anong oras na ba.
9:00am. Dalawang oras lang akong nakatulog? Pinakiramdaman ko muna ang mata ko bago ako bumangon. Alam kong magang maga ang mata ko.
Tumingin ako sa salamin, hindi na ako nagulat ng makita ang itsura ko. Para akong zombie, para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Hindi ko nalang 'to pinansin at nagsuklay nalang. Kaagad ko ring tinext si Nicx. Gusto kong ikwento sa kanya para mabawasan ang bigat sa loob ko. Sabi nila magaan daw sa pakiramdam kapag nasabi mo na sa iba e.
Lumabas na ako ng bahay at hinintay si Nicx sa 7/11. Ilang sandali pa ay nakita ko na sya.
"Anong nangyari? Nag-away kayo?" Saad nya kagad ng makalapit sya sakin.
"Hindi ah."
"Eh ano? May anak na sya? May girlfriend sya sa real world?"
Niyaya ko syang maglakad lakad habang kinukwento ko.
Sinumulan ko na sa simula hanggang sa part na...
"N-Nakarinig ako ng boses ng babae," Saad ko, pinigilan kong umiyak. Ayokong umiyak sa harap nya. "T-talong beses kong narinig." Nauutal kong sambit at yumuko.
"Huh? What do you mean? May babae sya?" She asked confused.
"B-babae sya..." Saad ko at tuluyan na namang umiyak. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses nya. "B-Babae si R-Riel."
Hindi man ako nakatingin kay Nicx ay ramdam kong nagulat sya, napatigil pa sya sa paglalakad at sandaling bumuntong hininga.
Hindi rin siya nakapagsalita dahil sa nalaman.
Kahit ako... hindi ko lubos akalain na babae siya parang ang hirap paniwalaan.
Kahit ayokong paniwalaan ay iyon naman ang totoo at wala na akong magagawa dun, hindi ko na iyon mababago.
Babae siya.... Babae si Riel.
![](https://img.wattpad.com/cover/284759317-288-k375322.jpg)
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022