Chapter 15

25 4 0
                                    

"Clarity, ano palang nangyari noong hindi na sya umalis?" Biglang tanong ni Nicx.

Natigilan naman ako dahil sa tanong nya. Siniko naman sya ni Michelle.

"Ay, okay lang kahit hindi mo na ituloy yung kwento."

Bumuntong hininga naman ako at nagsimula ng magkwento.

Ilang buwan na ang nakalipas simula noon, gumaling na ang kapatid nya. Bumalik lahat sa normal pero etong nararamdaman ko para sa kanya lalong lumalala. Hindi ko na kinakaya, kailangan ko ng umiwas habang maaga pa.

Riel: Trid, ano ba hindi na nakakatuwa. Bakit hindi mo ako pinapansin?

Riel: Ria Astrid, isa.

Riel: RIA ASTRID.

Nakatanggap ako ng ilang mensahe mula sa kanya. Dalawang araw na simula nung hindi ko sya pansinin, kaya ko pa namang magtiis.

Riel: Nakipag-break na ako.

Natigilan ako ng mabasa ang huli nyang chat.

Riel: Hindi ko na kaya, Trid. Hindi ko na kayang magpanggap. Ikaw naman talaga ako ang gusto ko e, pinilit ko namang ibaling sa iba ang atensyon ko pero sayo pa rin pala ang bagsak ko. Hindi ka ba nakakahalata? Ikaw ang gusto ko!

Hindi naman ako nagreply, baka nagbibiro lang sya para magreply ako. Hindi ko naman 'to pinansin at mas piniling magbasa nalang.

Ilang months na simula ng mangyari 'yon totoo ngang break na sila. Nakausap ko na rin si Riel at naging maayos naman na ang lahat.

Riel: Pwede ba kitang ligawan?

Natigilan naman ako sa chat, totoo ba 'to?

Riel: Hindi naman kita minamadali, kung hindi ka pa ready ay okay lang.

Trid: Oo naman, syempre!

Mabilis lumipas ang panahon at december na ngayon, akalain nyo 'yon. Isang taon na pala simula ng makilala ko sya. Naalala ko pa rin lahat ng nangyari noong November 11.

Riel: Can you be my girlfriend?

Nagulat naman ako sa tanong nya.

Trid: Hoy hala, totoo ba?

Riel: Oo nga, ayaw mo ba?

Trid: Syempre gusto.

11:52pm. December 04.

Iyon ang oras at date kung kailan naging kami. Akala ko ayos na ang lahat, kinabukasan hindi sya nag-open maghapon. Hinintay ko sya hanggang sa gabi na....

Riel: Trid, sorry may nangyari kasi.

Naiintindihan ko naman, pero grabe na. Isang linggo na ang nakalipas simula no'n. Minsan ay hindi na sya nagoopen. Minsan naman ay sinasabi nyang magoopen din sya agad at hintayin ko raw sya ngunit inabot na ako ng madaling araw ay hindi pa sya nagoopen.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa nga talaga namin kilala ang isa't isa. May nga bagay na hindi nya sinabi sakin at sinarili nya lang.

Trid: Riel, sorry. Pero mag-break nalang muna tayo.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon. Umalis sya sa role play world matapos 'yon.

Totoo nga ang sinabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Dalawang buwan ko na siyang hinihintay, umaasang babalik sya kahit walang kasiguraduhan. Ngunit isang gabi.....

Someone: Trid

Napatigil naman ako, si Riel lang ang tumatawag sakin no'n.

Trid: Kung sino ka man, hindi nakakatuwa ang biro mo.

Someone: Baby. Ako 'to.

Trid: R-riel,

Riel: Baby, huwag mong saktan ang sarili mo. Move on now, baby. Close that book. It's okay.

Riel: You need to be happy.

Trid: Hindi ko kaya.

Riel: Tama ng ako ang paksa mo sa kwento mo.

Trid: Hindi ko talaga kaya, Riel. Please huwag namang ganito.

Nagkausap kami ng gabing 'yon at nangako syang pagkagising ko ay nandito pa rin sya.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now