Lalong gumulo ang lahat. Hindi ko na ulit nakita si Athena simula ng tagpong iyon. Hindi ko rin naman alam kung saan sya nakatira.
Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nalang ako ng mundo.
"Bakit mo pa kasi kinausap yun? Malay mo niloloko ka lang no'n eh." Naiinis na wika ni Nicx.
Tama naman sya, baka niloloko lang ako nung babae pero hindi e, ramdam ko yung sinseridad nya habang kausap ko siya.
"Nasampal mo man lang ba?" Umiling ako kaagad. "Ano ba yan Clarity! Hindi mo man lang sinabunutan or sinampal."
"Hindi ko magagawa yun. Hindi naman ako galit sa kanya." Sambit ko at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang gawin ang bagay ba iyon. Hindi naman ako galit kay Athena, gusto ko lang na maliwanagan sa lahat ng nangyari at makakuha ng maayos na sagot.
"Ano ka ba, malay mo naman hindi. Malay mo gusto nya lang maitama yung mga bagay na ginawa nya." Ani ni Michelle.
"Kahit na, kaya kayo nasasaktan ang bibilis nyong maniwala kung kani-kanino."
Nagkatinginan naman kami ni Michelle dahil sa sinabi ni Nicx. Foul 'yon ah.
"Pero nung tinignan ko sya sa mata nya ay wala akong nakitang bahid ng pagsisinungaling." Giit ko naman.
"Naku! Ewan ko nga sainyo dala-.." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng biglang syang masuka.
Kaagad naman namin syang sinundan sa CR.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Michelle at hinagod ang likod ni Nicx..
"Anong nangyari sayo? Nasakit ba ang tiyan mo?"
"Sira na ata yung pagkain." Sagot ni Nicx at nasuka na naman ulit.
"Huh? Paanong masisira yan, e, kahapon ko lang yan binili." Nagtatakang tanong ko.
"Baka naman buntis ka." Nasambit ko nalang.
"Hoy, huwag ka ngang magbiro ng ganyan," Saad ni Michelle at tinignan ako ng masama, "Tsaka paano 'to mabubuntis e, wala nga iyang boyfriend."
Napatango naman ako dahil sa sinabi nya.
"A-ano ba kayong dalawa, ano ba iyang mga pinagsasabi nyo. Hindi ako buntis, baka may nakain lang ako na hindi maganda."
"Si Clarity kasi e,"
"Si Michelle kasi e,"
Sabay na sambit namin ni Michelle. Napailing naman si Nicx saming dalawa.
"Mauuna na nga ako," Saad ni Nicx at kinuha na ang mga gamit nya. "May thesis pa pala akong tatapusin."
"Sure ka ba? Hatid ka nalang kaya namin?"
"Naku, huwag na. Sige na mauuna na ako."
"Ingat ka ah,"
Tumango si Nicx at lumabas na. Nagkatinginan naman kami ni Michelle at nagkibit balikat nalang.
Weird.
"Nga pala, Clarity" Nagtatakang tumingin ako kay Misel.
"Hmm?"
"Bakit lagi mong suot ang kwintas na yan? Hinuhubad mo pa ba yan?"
Natigilan ako sa naging tanong niya at napatingin sa kwintas na suot ko.
Because it reminds of him.
Ito nalang ang bagay na tanging pinanghahawakan ko.
Iyan ang gusto kong isagot sa tanong niya ngunit mas pinili kong huwag nalang.
"Hmm, maganda kasi ang moon."
"Oh, tama. Kahit ako e, lalo na kapag gabi, minsan naaawa ako sa moon lalo na kapag walang star, like paano niya nakakayang siya lang mag-isa?"
Napaisip ako dahil sa sinabi niya.
"Nandiyan naman palagi ang mga ulap." Sagot ko.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romans"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022