Chapter 31

15 4 7
                                    

"Clarity, sure ka na? Aalis kana talaga?" Naluluhang tanong ni Zia. "Huwag ka na mag resign, please. Sino na ang magiging kasama ko niyan sa pagdadala ng coffee?"

Tipid na ngumiti ako sa kanya.. "Oo, e, kailangan. Andiyan naman si Lyn. Umamin ka na rin kay Laurence, mabait 'yon." Biro ko.

Yinakap niya ako ng mahigpit, "Mami-miss kita. Bumalik ka ha,"

"Mami-miss rin kita, mag-ingat ka dito ha. Promise, babalik ako." Yumakap ulit ako sa kanya bago sumakay sa kotse ni Kuya Kian.

Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit gano'n na lamang ang galit sa akin ni Athena?

Nalaman nila Tatay at Nanay ang nagyari noong isang gabi sa bahay ni Kuya Kian, napagkasunduan namin na sa Canada nalang ako magtatrabaho, nando'n din naman si Kuya kaya magiging maayos na siguro ako do'n.

Sinabi rin ni Kuya na doon nalang raw muna ako. Ang bilis kasi ng chismis at nakarating na kaagad sa kanya.

Para rin naman sa ikabubuti ng lahat 'to, kung ako ang problema, ako nalang ang kusang aalis. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila dahil sa 'kin.

"Huwag mo ng isipin 'yon, Clarity." Saad ni Kuya Kian at ngumiti.. "Hindi ikaw ang dahilan kung bakit kami nag-away, okay?"

That's was a lie. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob ko.

"Mag-iingat ka doon, Clarity." Nakangiting wika sa akin ni Nanay. Nandito na kami ngayon sa Airport. Ang sabi ko nga ay huwag na nila akong ihatid dahil alam kong may dramang magaganap.

"Opo, kayo rin po ni Tatay. Ingat po kayo dito, huwag kayong mag-aaway ah." Niyakap ko naman sila, ngayon lang ako malalayo sa kanila. Hindi ko yata kakayanin.

"Huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo, tatawag po ako araw-araw."

"MARIA! MARIA!" Natigilan ako nang marinig ang boses na 'yon.

B...Bruce..

Kaagad akong hinawakan ni Kuya Kian.. "Bilis na pumasok ka na sa loob." Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"MARIA! MARIA!" Nakita ko naman si Bruce na hinaharang ng mga guard. Umiiyak siya, umiiyak siya habang tinatawag ang pangalan ko.

"Clarity, pumasok ka na sa loob." Madiing wika ni Kuya Kian.

"Pero, Kuya Kian-.." Nag-aalinlangan wika ko.

"Isa.." Wala na akong nagawa. Alam kong galit na si Kuya Kian. Sinulyapan ko pa muna ulit si Bruce, nagtama ang mga mata namin. Akma siyang tatakbo sa 'kin nang hawakan siya ng mga guard.

"Let go of me! What the heck. MARIA!" Naiinis na sigaw niya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao dito sa airport ngunit wala siyang pakielam. Hindi siya natinag, sumigaw siya ulit.

"MAHAL KITA," Natigilan ako dahil sa isinigaw niya, "HINDI PA BA SAPAT NA DAHILAN 'YON PARA MANATILI KA?"

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa sinasabi niya.

"I'm sorry," Bigkas ko, alam kong hindi niya ako naririnig ngunit alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"SA ORAS NA SUMAKAY KA SA PESTENG EROPLANONG 'YAN, KALIMUTAN MO NA AKO!" Naghahamong wika niya... "KALIMUTAN MO NA SI RIEL!"

Mapait akong ngumiti sa kanya. "Zhu tem." Tuluyan na akong pumasok sa eroplano.

'Till we meet again, My M...Moon...

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now