Chapter 24

21 6 5
                                    

Kakauwi lang namin galing Las Piñas. Isang araw lang naman kami do'n. Nagpaiwan si Jewel do'n dahil bakasyon naman daw nila.

Marami pa kasing akong gagawin kaya next week nalang siguro ako babalik do'n. Nandoon din kasi si Julyien. Si Kuya Kian lang naman kasi ang nakatira do'n. Sa General Trias kasi nakatira ang mga magulang nila Kuya Kian, ewan ko ba at sa malayo pa siya nagpatayo ng bahay.

Nag i-scroll ako sa facebook ng makatanggap ako ng chat mula sa ka-batch ko noong college.

:May resulta na raw. Omg te, kinakabahan ako.

Napatigil ako ng mabasa ang chat niya. Kaagad akong pumunta sa website kung saan pwedeng makita ang mga nakapasa sa board exam.

Pigil hininga akong nag-scroll. Pumikit muna ako sandali, kung hindi man ako makapasa pwede pa naman next time, e.

Valla....

Villanueva....

Villar...

Villariel, Maria Clarity...

Halos mapatalon ako ng makita ko ang pangalan ko. Nakapasa ako.

Kaagad akong tumakbo palabas ng kwarto. "N..Nay! Nay!"

"Oh? Ano ba iyon, Clarity? Gabing gabi na."

"Nakapasa ako, Nay!" Napatigil naman si Nanay.

"A..ano?"

"Nakapasa po ako. CPA na po ako, Nay!"

"Hala, CPA kana! Congrats!" Yumakap naman siya sakin. Napaiyak naman ako.

"N..Nay, CPA na ako." Paulit-ulit kong sabi habang umiiyak.

"Ano ka ba? Huwag ka ngang umiyak riyan, dapat masaya ka." Aniya at pinunasan ang munting basa sa mata niya. "May dalawa na kaming CPA ng Tatay mo." Nakangiti niyang sabi at pinunasan ang mata ko.

Yumakap naman ulit ako kay Nanay. Para sainyo lahat ng 'to, Nay. Makakabawi rin ako sainyo. Mabibili ko rin lahat ng gusto niyo. Hindi niyo na kakailanganin magtrabaho.

Ngumiti naman ako kay Nanay....

Naalimpungatan ako dahil sa boses ni Nanay na nanggagaling sa labas, anong oras na ako nakatulog kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Clarity, may naghahanap sayo sa labas, shoppe raw." Rinig kong sigaw ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, eto na lalabas na po." Kumuha naman ako ng 500 sa wallet ko. Excited akong lumabas ng bahay. Sa wakas nandito na 'yong librong hinihintay ko.

Napatigil ako ng makita ang lalaki sa tapat ng gate namin. Naka helmet siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero parang pamilyar siya, ipinag sa walang bahala ko nalang ito.

Iniabot ko kaagad ang 500, excited na talaga ako.

"Ma'am, picture po." Aniya sa mababang boses. Nag peace sign naman ako at pinakita ang parcel.

"Okay na, Kuya?" Tumango naman siya.... "Salamat po. Ingat." Hindi naman na siya nagsalita at sumakay na ng motor.

"Ay teka, parang kilala kita ah. Kaibigan ka ni Kuya Kian....Bruce?" Hindi siguradong tanong ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kuya at umalis.

Hala hindi man lang ako sinagot. Amp.

"Kuya! Pst, Kuya!" Tawag ko pa ulit ngunit hindi na ito tumigil. Hayaan na nga baka marami pa siyang ide-deliver.

"Clarity, sino bang sinisitsitan mo riyan?" Nagtatakang tanong ni Nanay.

"Ah, wala ho. Trip ko lang sumisitsit ang ganda kasi pakinggan, e." Napailing nalang si Nanay.

"Ang batang ito talaga."

"Oo nga po, tignan niyo po ah." Saad ko at sumitsit pa... "Pst! Pst! Diba po ang galing?" Nakangiting wika ko.

"Naku! Ewan ko sayong bata ka."

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now